May sukatan ba ng tunay na pag-ibig kung ang parehos na tinamaan neto ay ang dalawang di-magkasundong puso? Gaano ka ba kahandang harapin ang lahat ng pagsubok kapalit ng inakala mong wagas na pag-ibig? Handa ka pa kayang bumangong muli oras na nalaman mo na ang lahat pala ng yun ay parte lang ng malaking pagpapanggap bilang katuparan ng paniningil? Kailan ba ang huling beses na pinakinggan ka ng mga bituin sa langit? Kailan ba ang huling beses na nakita mo sila sa madilim na kalangitan? May pag-asa pa bang muli mo silang masulyapan o tuluyan ka ng makukulong sa rehas ng madilim mong kinasasadlakan.