Zed has been secretly in love with Macky,her childhood friend. Ayaw niyang malaman nito ang kaniyang nararamdaman dahil natatakot siyang masira ang kanilang pagkakaibigan. Kontento na siya kung ano man ang meron sila at ililihim niya ito maski hanggang kamatayan. Pero mapipigilan kaya niya ang kaniyang sariling lalong mahulog dito at ipagtapat ang kaniyang nararamdaman kung si Macky na mismo ang magparamdam? Papaniwalain ba niya ang sarili na may katugon din ang kaniyang pagsinta dahil sa mga ipinapakita at ipinaparamdam ng lalaki sa kaniya o tuluyan pa rin niyang itatago ang feelings para sa lalaki?