Si AYEZI ELURRA SUAREZ, na kilala rin bilang Winter O Snow, isang entertainer na may pangarap na pumasok sa Ross University. At sa pagtupad ng kaniyang pangarap, nakilala niya ang sikat na boy band na AVISO. Ang ideya ng pagiging magkaibigan nila ay ayos sa kanya. Ngunit ang ideya ng pagmamahal niya sa isa sa kanila ay hindi maganda. Hindi maganda mahulog ang loob niya sa drummer nila na may mga mata parang karagatan. Pumunta siya sa California para mag-aral, hindi para umibig sa napakagandang lalaking ito. Ngunit habang nakakasama niya ang banda habang nag-aaral sa Ross University, unti-unti siyang nagkakainteres at namamangha sa kaniyang talento at personalidad. Tuwing nakikita niya ang drummer na may mga ocean eyes, hindi maiwasan ng puso ni Snow na mapabilis ang tibok. Napansin niyang may kakaiba at malalim na koneksyon sila tuwing nagtatawanan o nag-uusap sila nang malayo sa gulo ng mundo. Pinipigilan ni Snow ang sarili dahil alam niyang hindi dapat mahulog ang loob niya sa isang miyembro ng banda. Alam niyang delikado at komplikado iyon. Subalit paano ba matutunan iwasan ang pag-ibig? Paano ba hindi maramdaman ang mga kilig at emosyon na bumabalot sa paligid kapag kasama niya ang nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso? Habang patuloy na lumalalim ang samahan nila ng banda, napagtanto ni Snow na hindi niya kayang pigilan ang damdamin. Na kahit gaano pa kadelikado o komplikado, karapat-dapat ang pag-ibig na iparamdam sa drummer na may mga ocean eyes. Ngunit sa pagharap niya sa katotohanan, maglalaro ba ang tadhana para payagan silang maging magkasama o kakailanganin niyang harapin ang sakripisyo at pagsuko? 𝓐𝔂𝓮𝔃𝓲 𝓔𝓵𝓾𝓻𝓻𝓪 𝓢𝓾𝓪𝓻𝓮𝔃ꨄ︎ Note: •This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.