Sinasabi sa alamat na ang unang Pilipinong lalaki at babae na ay ipinanganak mula sa isang kawayan. Pareho silang may kayumanggi balat at malambot na mga katawan. Ang lalaki ay pinangalanang "Malakas" at ang babae naman ay si "Maganda" Mga katangiang kung saan natatangi ang bawat Pilipino. Ang kanilang lakas at katatagan sa kabila ng maraming paghihirap at pagsubok na dumarating at ang kanilang panloob at panlabas na kagandahan na natatangi sa lahat. Ngunit paano kung sadiyang mapaglaro ang tadhana at ang kasamang isinilang ni Malakas ay hindi pala si Maganda? Isa ring Malakas at nagma-Maganda pa? At higit sa lahat hindi lang siya basta nagma-Maganda, nagtataglay din siya ng kakaibang lakas at kakayahang magliligtas sa lahat na dapat si Malakas ang gumagawa. Abangan natin ang mala-alamat na istorya ng dalawang taong "pinagtagpo pero di tinadhana." *credits to Moira, Charot!!!