Love caught in the middle of a family feud. Hindi maintindihan ni Kyleigh kung bakit sa isang iglap lang ay nakahanap na si Gregg ng babaeng ipapalit sa kanya. Hindi rin niya maintindihan kung bakit sa kabila ng ilang taong relasyon ay bigla nalang ang desisyon nitong makipaghiwalay sa kanya. It was a love against all odds: family, relatives and friends. Pero ang akala niyang magiging kakampi niya sa laban ay sumuko nalang kahit hindi pa nagsisimula ang totoong laban. Mga pangakong napako, pangarap na nawala sa hinagap, sakit at luhang nasayang at pagmamahalang natuldukan. Lalaban ka pa ba kung nag-iisa ka nalang. Lalapit ka pa ba kung may kasama na siya iba. Pano mo bubuuin ulit ang sarili mo kung sa bawat hibla ng pagkatao mo andun ang bakas niya. Will it be still a love beyond eternity, as promised? Will love find their way back, when all they know it has already ended? Will three months be enough? Three Month Rule- alam yan ng bawat taong nagmahal at nasaktan. Pero ang tatlong buwan na to ang pinakamasakit na yugto ng moving-on stage, how will you overcome pain if pain is all you know, pain is all you see and pain is all you feel.