"Hindi ko maaaring mahalikan ang lalaking mahal ko. Kapag hinalikan ko sya, mawawala sya sakin pang habang-buhay." Si Rached Reeds ay may abilidad na kahit sinong lalaking mahahalikan nya ay mapapa-ibig nya at kababaliwan sya. Gusto nyang mahalin sya dahil naren sa kagustuhan nila. At noong nag umpisa na syang mahulog sa lalaking nag ngangalang Benjamin Blake ay dinistansya nya ang kanyang sarili. Ngunit sa mga pangyayaring hindi nya inaasahang pagtatagpo nila, ang kanyang kagustuhang mapapalapit sa lalaking ito ay parang pagkawasak niya dahil hindi ito maaari. Matitiis nya ba ang kagustuhan ng unang pag-halik, o mawawala sa kanya si Ben magpakailanman?