Pangarap ni Larkxyn Manlapaz o mas kilala sa tawag na "Nxy" na makapagtapos ng pag-aaral at maging isang ganap na Detective upang malaman ang totoong dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Sa labis na kagustuhan ay sinubaybayan niya ang maaaring maging witness tungkol sa isa sa pinakamatalinong Serial killer na may iba't ibang identidad upang makakuha ng impormasyon kung may kinalaman ba ito sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Ngunit , paano niya maipagpapatuloy ang pagmamanman kung biglang paggising niya isang araw ay iba na rin ang kanyang identidad? "Paanong.. Ako ay naging siya?"