Naging isa kang manunula(t) dahil sa isang tao. Siya ang paborito mong paksa sa iyong mga isinusulat na akda, siya ang puso ng iyong mga piyesa. Nahanap mo ang iyong pluma dahil sa kaniya. Mali bang pangarapin mo rin ang mga pangarap niya? Mali bang nagsimula ka sa pagsusulat dahil sa kaniya? At mali bang huminto ka rin sa pagsulat dahil sa nagawa niya? Paano mo maibabalik sa dati ang iyong durog at duguang pluma?