Nang dahil sa pandemic, halos lahat ng tao ay nanatili sa kani-kanilang mga bahay para sa kanilang kanilang kaligtasan. Maraming mga naboring sa kanilang bahay at nakadiskubre ng mga kung ano-ano. Si Shaina dahil na-stuck sa bahay, natutunan niyang mag-shopping online at magcheck-out nang kung ano-ano. Dumating sa punto na pamilyar na sa kanya ang nagdedeliver at close na niya ito. Ngunit isang araw may bagong delivery boy ang naghatid sa kaniyang orders at dahil sa angking kaguwapuhan ng lalaki ay kaniyang natipuhan. Ano kaya ang gagawin ni Shaina?