Hindi lubos maintindihan ng mga tao sa paligid ni Freiah kung bakit na lang sobrang arte niya sa mga nakakasalamuha niya sa mga lalaki. Gusto lang niya ay ang mga galing sa ibang bansa, mestizo, matangkad, macho gwapito. Bakit nga naman kailangan pa nilang intindihin? Eh sa mga chismosa at judgemental lang naman 'yung pinanggalingan ng mga tanong nila. Ha! Sorry sila, hindi makabingwit ng isa. Makulay at mapusok ang buhay ni Freiah at hindi naman siya nagsisisi sa mga ginagawa niya. Paki ba nila kung maarte siya sa lalaki? Para bang hindi kayo nasaktan pa, ha? She just scoffs with that idea in her head. Hindi lang naman niya gusto ang mga Filipinong lalaki dahil sa angking negative traits ng mga ito na parang nasa genes na din nila. Lalo na ang lalaking iyon. She never wanted to remember that guy, but he kept on popping into her gray matter like a mushroom, feeding onto dead people. And he was feeding into her dead heart. Ano bang pakay ng walanghiyang ito at naiistorbo siya sa tahimik na niyang buhay? Pupulbusin na naman ba nito ang puso niya or bubuksan nitong muli ang sinelyahan niyang puso.