Umalis ng bansa si Shella dahil may rason siya. Kahit labag sa kalooban niya mas pinili niyang lisanin ang bansang iyon. Alam niya sa mga oras na iyon habang unti unti niyang tinatahak paalis ang bansang iyon wala na siyang babalikan Pa. Kahit hinang hina na siya mas gugustuhin na lamang niya na kamuhian siya ng kanyang maiiwan kaysa naman mas lalo niya itong masaktan Pa. Mas pinili niya ang mas tama at sigurado siya sa kalalabasan. Hindi niya alintana ang maiiwan niya ang tanging naiisip niya Lang ang sakit na siya Lang ang makakaramdam mas mainam na yun kaysa naman mandamay Pa siya. Kahit sobrang hinang hina na siya pinipilit niya parin ang bumangon at maglakad papuntang eroplanong sasakyan niya papalayo sa mga mahal niya. Kasabay ng mga luha niya na walang tigil sa pagpatak. Ashton and Shella story😘💕 #Promises Subaybayan po natin lahat ang kwento nila mga KaBAMIEE💕