"Pano ako magkaka-boyfriend kung palaging sinisira ng mga kapatid ko ang dapat magiging lovelife ko?! "-tanging himutok ni Ella sa kanyang nag-iisang bestfriend She has 3 brothers na sa sobrang protective sa kanya ay halos wala na siyang natatagalan na karelasyon. Halos sa dalawa niyang naging kapareha ay hindi man lang tumagal ng isang buwan dahil sa mga kagagawan ng kanyang kapatid. Kung ano-ano ang mga pinaggagawa nito para lamang hiwalayan siya ng nobyo. Wala man magawa dahil mas mahal naman niya ang kanyang mga kapatid kesa sa naging karelasyon. Magkakaroon pa nga kaya si Ella ng nobyo kung sa bawat subok niyang humanap ng magiging kapareha laging nakabantay ang mga kapatid niya? O tatanda na lamang siyang dalaga?