Madugong digmaan ang sumiklab sa mismong araw ng ikalabing walong kaarawan ng isang prinsesa na anak ng isang diyosa ng liwanag. Nailahad sa propesiya noong bata palang ang prinsesa na siya ang magdadala ng kadiliman at mismong sisira sa angkan kaya upang maprotektahan ang kaharian, nag aklas ang mga tao katulong ang iba pang may katungkulan upang makitil ang buhay ng prinsesa. Ngunit hiling ng diyosa at hari na huwag gagalawin ang anak nila kundi ay sila ang kanilang makakalaban kaya hindi muna kumilos ang mga tao. Dahil sa kasakiman ng isa sa matalik na kaibigan ng hari, umanib siya sa nabuong kilusan at habang nag sasaya ang lahat, walang kaalam alam na unti unti na palang inuubos ang taga protekta hanggang sa ang prinsesa nalang ang natira. Makakahanap s'ya ng daan upang makatakas ngunit ito nga ba ang daan? Napadpad s'ya sa isang lugar na hindi hamak na kapwa delikado rin. Lugar kung saan tangging sarili lang ang kan'yang kilala at maasahan. Mundong mapanglait at mapag mataas, doon n'ya makikilala ang isang ginoo na nagbigay ng kakaibang karanasan, pananaw at pakiramdam na lahat ay bago sa kan'ya. Isang babaeng may wirdong kasuotan ang napadpad sa lungsod. Mga tao ay tila ginagawang katatawanan ang kan'yang wirdong reaksyon sa mga bagay bagay. Hanggang sa makatagpo n'ya ang isang lalaki na bukod sa sarili n'ya ay walang pake sa paligid nito. Makabubuti nga ba ito para sa kan'ya o mas lalo lang makakasama kapag nalaman kung sino at ano s'ya? Matatanggap kaya s'ya nito? O ipagtatabuyan dahil s'ya ay naiiba.