Matagal na panahon nang magkaroon ng isang kapareha ang isang malupit na hari ng mga lobo. Paano kaya kung ang itinakdang kaniyang maging kapareha ay isang ada na binansagang, ang pamilya nito ay isang masama at traydor sa kanilang lahi? Paano nila maipaglalaban ang kanilang pag-iibigan kung ang lahat ng mga matataas na nilalang sa kanilang palagid ay tutol sa kanilang pagsasama? Mas pipiliin kaya ng Alpha na bumaba sa trono at mamuhay ng simple kasama ang itinakda sa kaniya ng Diyosa ng buwan? Paano kaya kung dumating ang unang babaeng itinakda para sa Alpha, pipiliin niya pa kaya ang munting ada o mas pipiiliin niya ang unang babae na ibinigay sa kaniya bilang kapareha?