Applicable lang ang 'be careful what you wish for' sa mga hinaing ng taong galit, nasaktan kaya napahiling nang sobra, o kaya yung mga taong lasing na labas lang naman pala sa ilong ang sigaw sa tadhana. At si Brianne, nakalimang beer, isang kanta sa karaoke, at tatlong takas na cocktail bago nalasing at humiling ng lalaking may abs na type ng lahat pero siya lang ang type. *** Ruby Brianne Fay is the modern librarian in the making. Pastel blue ang favorite niyang color dahil iyon ang madaling mahanap na kulay sa mall. Hobby niya ang mag-organize ng files, magsort ng mga libro niya by genre, at mag-upload ng book reviews ng mga nabasa na niya. Her life may seem too plain and too simple but it's as yellow as summer because of her boyfriend Andrei. Until she found out he cheated, and still cheats on her, with her twin sister, Arianne. And then she got drunk and wished for the impossible and the universe obliged. *** The Amore Agency Series Language: Filipino-english