The Gorgon's Boyfriend **** "Listen, Kahel. Are you free later?" biglang tanong ni Drake. "May magandang pelikula riyan sa labas." "What? Are you asking me on a date or something? Wala ka na namang mapagtripan sa mga ka-fling mo? Hindi siya sumagot. Napatingala ako nang marahan. Nakatitig siya sa akin. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang mga mata niyang tila nalulungkot. "Seryoso ako. If you're free-" Biglang tumunog ang scanner. Mabilis akong tumayo. Agad ko siyang inirapan. "Yeah right. Is that how you ask someone out? Mas malakas pa ang scanner sa boses mo." Agad akong tumalikod. Sinimulan ko nang i-plastic ang mga damit niya. Maayos ang aking mga tupi habang lumalapit ang kasunod na customer. "Mic test. Mic test." Narinig kong umalingawngaw sa mall ang boses ng gagong si Drake. Mabilis akong napatalikod. Hawak ni Drake ang mikropono na nakakabit sa cash registrer ko. "Kahel Edknell Robinson, will you go out with me?" Sunod-sunod ang tilian sa loob ng mall. Maging si Annie ay tumatakbo habang nagtitili papunta sa cashier namin. Napatingin ako sa lahat ng tao. Lahat sila ay nakatingin sa direksyon ko. Ang iba ay nakangiti. May iba na tila nire-record pa kami sa video. Gusto kong lumubog. Gusto kong maglaho. Gusto kong lamunin ng lupa. Ang pambansang heartthrob ng school, ang pantasya ng bayan na si Drake Slater Valentino-talaga bang nilalandi ako? Started: January 2023 Ended: February 2024 Physical Book available in: November 2024
51 parts