Si Vida Esquvel. Secretary sa isang government office, kung saan si Mayor Lorenzo Del Piero ang kaniyang boss. Matagal na siyang may lihim na pagtingin sa lalaki ngunit kung hindi pa siya nito utusan ay hindi siya nito tatapunan ng tingin. Pakiramdam nga niya ay hindi siya nag e-exist sa buhay ng lalaki. Kaya nang gabing magtago ang landas nila ni Lorenzo sa kaniyang pinapasukang trabaho ay hindi na niya pinalampas ang pagkakataon. Buo ang loob niyang hindi siya makikila ni Lorenzo kaya't siya ang lumapit dito at nagpakilala. "Monroe ang pangalan ko," pakilala ko habang tinatago ang mga ngiti sa suot kong veil. Kung dati ay inaasam lamang niyang mapansin nito. Ngayon ay halos sambahin siya ng lalaki sa tuwing magdadarang ang kanilang mga labi. Ngunit paano kung lumabas ang katotohanan at makilala siya nang tuluyan ni Lorenzo? Kaya na rin ba niyang aminin dito ang totoong nararamdaman puso?