Other title: When The Wedding Went Wrong Janella was being cheated by her boyfriend, pero kahit na gano'n, pinagpatuloy niya ang pagpapakasal para lang hindi mapahiya sa kanyang magulang at para patunayan na hindi siya nagkamali sa pagpili sa kanyang nobyo. Pero hindi na nagpakita ang fiance niya sa kasal nilang dalawa at wala sa hinagap niya na may katulad din niyang malas sa araw na 'yon. May isang groom na hindi sinipot ng bride at dinamayan pa nga niya ito na nauwi naman sa paglalasing and eventually, they had a one night stand. After that, nagkaroon ng masamang impression si Janella sa lalaking iyon nang iwan siya nito sa silid kung saan may naganap sa kanilang dalawa at mas lalo siyang nainis dahil hindi man lang niya nalaman ang pangalan nito. And when she was completely dumped by her boyfriend, biglang sumulpot sa kanyang harapan ang lalaki at nag-alok ng trabaho, gusto siya nitong maging fake girlfriend habang magiging temporary employee ng kompanya nito. Paano mapanghahawakan ni Janella ang pangako sa sarili na hindi na siya magmamahal dahil sa recent heartbreak kung sadyang attractive ang lalaking si Franco na may katangiang malayong-malayo sa damuho niyang cheater boyfriend? Date Published and Finished: December 23, 2022