Sabi nila masarap daw magmahal, masaya na tila ba nasa cloud nine ka. Nakakagaan ng kalooban tuwing kausap siya, napapangiti ka sa simpleng pagdaan niya sa iyong isipan. At higit sa lahat, mararanasan mo pahalagahan ng isang tao na parang siya ang other half mo sa buhay dahil sa pareho niyong personalidad. Pero hindi lang naman ako nasabihan na nakakasakit pala magmahal. Na sa una lang masaya, sa una lang maayos at sa una lang ka lang papahalagahan.