Sa kagustuhang takasan ni Constantia ang nakatakdang kasal niya kay Stephan Santillan ng gabing 'yon ay sinugal niya ang lahat ng meron siya huwag lamang matali sa lalaking hindi niya kayang mahalin. Ngunit hindi naging madali para kay Constantia na takasan ang malabakal na kamay ni Stephan at ang seguridad ng mga Santillan. Kaya nang magkaroon siya nang pagkakataon na lusutan ito ay ginawa niya ang lahat para lang makalayo kay Stephan. Kahit pa pumasok siya sa isa sa mga okupadong silid para lang makapagtago ay ginawa n'ya. Subalit labis niyang pinagsisihan ang kapangahasan nang makilala n'ya ang lalaking may-ari ng silid na 'yon. Walang iba kundi si Octavius Andreas. Ang lalaking muhing-muhi sa kaniya at hindi siya kayang patawarin sa nagawa niyang kasalan dito noon. Paano na ngayon lulusutan ni Constantia ang dobleng gulong napasok niya?