Tandang-tanda ni Audrey na bumabiyahe sila ng kanyang kapatid papunta si unibersidad nila nang maaksidente sila. Pero laking gulat nila paggising ay pareho silang nasa loob ng nobelang isinulat ng kanilang ina bago ito pumanaw. Sa loob ng nobela ay ginagampanan niya ang katauhan ni "Maria Aurora De Vera" at ang kapatid niya naman ay si "Lucas" na parehong kontrabida at magkapatid din sa kwento.