Kwentong lagim at kababalaghan ba ang hanap mo? Ang hango ng ating kwento ay sa mga mahihilig sa katatakutan maging sa panonood, pakikinig o pagbabasa. Noong unang panahon ang ating mga ninuno ay maalam sa mga nilalang na hindi natin lubos isipin na kasa-kasama natin kagaya ng aswang, maligno, multo o engkanto. Kaya mas nakabubuti na basahin ang istoryang ito hangga't malakas pa ang loob mo at huwag mo nang hintayin pa ang dilim... Malay mo nasa tabi mo na pala siya, naghihintay na malaman mo ang kanyang kalagim-lagim na sinapit.