Ako si Jake Recto, isang larawan ng matinong lalaki at mapagmahal na asawa. Matagal na ko nang tinanggap na hindi ako kailanman magkakaroon ng anak kay Gail Suarez. Ngunit isang katotohanan ang aking natuklasan sa pagkakamaling nagawa ng aking asawa. Pipiliin kong lumayo upang tumahimik ang aking buhay. *** Isang matahimik na buhay ang nararanasan ni Roxanne Herrera sa lupaing ibinahagi sa kaniya ni Noreen nang ito'y maikasal kay Alexander Llore Veloso ngunit isang bangungot ang gigising sa natutulog niyang puso nang magkakilala kaming dalawa.