WARNING MATURE CONTENT 🔞 (SPG) Ulilang lubos si Lyka Sarmiento. Kinupkop siya ng kanyang Tiyahin ngunit kalaunan ay pinalayas rin sila. Kasama niya ang kanyang dalawang nakababatang kapatid. Hanggang sa sumama si Lyka sa kanyang kaibigan para pumasok sa isang bar.Naging dancer siya at may nag-alok sa kanya ng malaking halaga para sa isang gabi. Pumayag siya at kinuha ang pera. Pagkatapos ng isang mainit na gabi ay kaagad na lumayo si Lyka. Pagkalipas ng dalawang taon ay bumalik siya sa Manila para maghanap ng trabaho. At natanggap siya bilang isang waitress sa isang kilalang restaurant. Anong gagawin niya kapag nalaman niya na ang lalaking nakasama niya noon ay siyang bago niyang boss? Makikilala kaya siya nito? Pero paano kapag nalaman niya na may kakambal ito. Sino kaya ang ama ng anak niya?