Si Zoe Kayree Sandoval ay galing sa isang magarbo at kilalang pamilya. Lumaki s'ya nang walang pinoproblema dahil itinuring siyang prinsesa ng lahat ng nakapaligid sa kanya. Maliban sa isa - ang kababata n'yang si Skyler Mackenzie, isang sikat at mayamang swimmer. Parati silang magkaaway at hindi magkaisa sa lahat ng bagay. Ngunit hindi lamang inis at galit ang namumuo sa pagitan nilang dalawa kundi pati isang bagay na hindi inaasahan ng sinuman. Makakaya ba nilang tanggapin ang isa't-isa matapos ang hindi pagkakaunawaan? O mananatiling hanggang kaibigan ang kanilang turingan?