Mahal kita. Mawala ka man alam kong minahal kita ng tapat, walang labis at walang kulang. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko mapasakin ka lang. Ngunit tao rin naman ako, napapagod at nahihirapan. Hanggang saan ko ba kayang panindigan yung salitang 'Mahal kita'? Bakit kahit wala ka na, ikaw pa rin ang nilalaman nitong puso ko? Kelan ko ba matututunan na hindi na ako ang mahal mo? Sabihin mo nga sa akin, dapat pa ba kitang mahalin ngayong lumisan ka na sa piling ko?