Pagpaka-upo ko palang nakita ko siya kaagad. Ehhh! He makes my hearbeat, super fats I mean fast. "Marasigan, Ang panget mo! Mukha kang Kalabaw!" Sabi ng classmate namin na parang drug addict at nagtawanan naman ang iba kong mga kaklase. How dare him! Wala siyang karapatan sabihin yan kay sweetheart my heart. Nakita ko na nakayuko na sa kanyang armchair si Koko. Gusto ko siyang yakapin at iparamdaman sa kanya ang init ng yakap at pagmamahal ko. Hay Koby Marasigan! Kelan mo ba ako mapapansin? Napapanis na ang laway ko sa kahihintay ng first kiss natin. Kailangan na ba kitang daanin sa sarap? Sa aking masarap na paraan para iparamdam sayo ang aking pagmamahal. Sinisigurado ko na pag natikman mo na ay hinding-hindi mo pagsasawaan at nanamnamin habang buhay. Hahahahaha. Sana lang talaga maging okay ang kalalabasan nito Team #Sako.