Dear Mahal, Kamusta ka na po ngayon? Kumain ka na ba? Baka nagpapabaya ka na naman ah? Alam mo naman na ayaw na ayaw ko pag pinapabayaan mo sarili mo diba? ... Wala naman akong ginawa buong araw so wala rin akong ma ikekwento sayo. Mahal? Mahal na mahal po kita. ... Mahal alam mo ba yung ginawa ko ngayong araw? Bukod sa pag pasok ko sa lahat ng subjects ko inisip rin po kita. Ganon kita kamahal mahal. ... Hi mahal! Nakita pala kita kanina sa cafeteria... kasama siya. Yung ngiti mo kanina dun mukhang ang saya-saya mo. Yung ngiti mong ganon sakin mo lang noon pinapakita. Masaya ka na ba sa kanya mahal? kung masaya ka talaga sa kanya masaya na rin ako. Ay, teka mahal gawa lang ako ng assignments ko. Iloveyou Love, Ayka