Spoiled Brat, masama ang ugali, territorial at kapag may gusto siyang bagay o gawin ay hindi maaaring hindi niya makukuha. Iyan si Britney. Maarte, mataray at masungit. Pero sa kabila nito, nabighani ako sa kanyang tunay na pagkatao. Ang pagkataong hindi nakikita ng iba. Ako si Kaizer, anak ng isa sa mga kasosyo ng pamilya ni Britney sa isang kompanya. I want her to be with me forever. At kasabay ng pagmamahal ko sa kanya, nais kong ipakita sa iba na hindi masamang babae si Britney. Gusto kong mabago ang impression ng mga tao sa paligid niya. Gusto kong ipakilala ang tunay na Britney Kate Gonzales sa lahat. Ang babaeng mapagmahal, maalaga, maalalahanin at higit sa lahat iniisip niya ang kapakanan ng iba. Ito ang mga bagay na hindi nila nakikita sa kanya. I love the whole her. And I will do all things para makasama siya habang buhay. Pero paano? Gayong lumayo siya sa amin?