Gothic 2017 Napukaw ang pansin ng mga tao sa mga bampira dahil sa sunod sunid na patayang nagaganap sa bansa. Nabahala ang Vampire Council ng Pilipinas kung kaya humingi ito ng tulong sa Grand Vampire Empire, ang dakilang pamahalaan ng mga bampira. Natakot silang mabunyag ang lahi ng bampira at simulan ng hidwaan lalo pa't nakikiisa na ang Hunter Association sa mga tao. Ipinadala ng Ikalawang hari ang Tatlong hukbo upang lutasin ang kinahaharap na problema. Si Prince Apollo, ang kinilalang anak ng unang Hari at dalawa pang heneral ang ipinadala sa Pilipinas. Sa munkahi na rin ng Crown Prince Alecto, anak ng Ikalawang Hari. Lihim na ikinasama ng loob uto ni Apollo dahil ang pagbalik sa Pilipinas ay isang pasakit para sa kanya. Paano gagampanan ni Apollo ang kanyang obligasyon gayong muling nagbubukas ang mga sugat ng nakaraan. Pipiliin kaya niyang iligtas ang mga nilalang na dahilan ng kanyang pagbagsak o isasantabi niya ang nararamdaman. Anu ang gagawin ni Alecto kapag nalaman niyang nasa panganib si Apollo? Ang Bampirang labis niyang minamahal. Start: December 16, 2016 End: ?
6 parts