Isang tagong lugar ang nabuo upang masasamang hangarin ay maikubli. Isang impyerno ang na itayo at walang sino man ang may kakayahan na makatas mula rito. Sa impyerno na kung saan ang demonyo ang dinadasalan, ay maari nga bang may mabuo na pag iibigan? Susugal ka ba? Mag mamahal ka ba? Tatalikuran mo ba ang iyong hangarin upang mag mahal? Susundin mo ba ang tinitibok nang 'yong puso o mas pipiliin mo ang utos nang isip mo? Handa ka na bang matuklasan ang kasagutan sa katanungan na... May liwanag nga ba sa kadiliman?