Sobrang seryoso naman yata ni Niall. Madaling mainis at mapikon kahit sa maliit na ingay lang. Iyon nga ang gusto ni Joanna sa kanya, ang mabwisit sa pangungulit. Kung hindi lang naman kasi nagpaka-hero at feelingero sa paningin ni Joanna, e 'di sana hindi siya nagpapanggap na may gusto rito. Kaya lang, habang tumatagal, napapansin ni Joanna na hindi pala pwedeng mang-inis o manghusga sa isang taong hindi niya naman kilala. Lalo na kung ang isang brat na katulad niya ay dapat ding tingnan ang sarili niyang kahusga-husga rin pala. Iyon tuloy, noong pinuna siya ng lahat, bumalik ang karma sa kanya at ang tanging kumampi lang sa kanya ay ang presidenteng kinaiinisan niya -- si Niall.