Sa panahong uso ang online dating, napakasuwerte mo kapag nakatagpo ka ng organic na pagmamahal. 'Yung typical love story kung saan pumunta ka lang sa party at nagkabanggaan kayo tapos inabot niya sa 'yo 'yung nahulog mong panyo, tapos nagpalitan na kayo ng cellphone number at nagkamabutihan. O kaya naman ay siya pala 'yung schoolmate mo nu'ng elementary, tapos nagkita ulit kayo makalipas ang ilang taon at nagka-inlaban. Puwede ring 'yung best friend o childhood friend mo na umamin sa 'yong mahal ka pala dati pa. Oh 'di ba, sana all ganyan kaganda ang twist ng love life. Pero habang hindi mo pa natatagpuan ang "the one", mag-enjoy ka muna sa pagsu-swipe left and right at galingan ang pakikipag-usap sa iba't ibang tao. Sabi nga nila, talking stages ang hahasa sa iyong communication skills. Kung mag-level up man kayo o yayain ka na niyang makipag-meet up, aba'y congratulations, beshie!
9 parts