Ibinaba ko na ang linya dahil di ko nakayanan lahat ng sinabi ni Nanay.

Muli akong nagpakawala ng buntong hininga at namuo ang luha sa mga mata ko.Napasabunot ako ng marahan sa buhok ko at gusto kong maiyak ng sobra.

Agad na pinunasan ko ang luhang namumuo sa mata ko at iniaayos ang sarili ko tsaka umakyat para bumalik sa trabaho.

"Oh? Sirene kanina pa kita hinahanap tawag ka ni sir" tawag sakin ng sekretarya ni sir.

"A-Ako? Pinapatawag daw? B-Bakit?" Nagtataka ako dahil bakit ako? at wala namang dahilan para pumunta ako doon.

"Sige na di ko rin alam e. Pinatawag lang ako para tawagin ka." Tinapik niya ang balikat ko at tumalima agad ako.

Nang nasa harap na ako ng pinto ng opisina ni sir ay huminga ako ng malalim at pinagpagan ang sarili ko tsaka kumatok.

"S-Sir? P-Pinapatawag nyo ho daw ako?" Sabi ko

"Come in. It's not lock." Sagot nung nasa loob.

Binuksan ko ang pintuan at pumasok ako sa loob ng opisina ni sir pero pagkapasok ko palang—

"Lock the door and sit here." Napaawang ako at kinabahan. Masama ang kutob ko rito.

"Ah sir h-hindi naman po s-siguro ako dito magtatagal—"

"Pinapangunahan mo na ako Ms. Torres?" Kinakabahan akong napatungo dahil sa sagot niya. Napaka seryoso niya naman ngayon nakakatakot ang namumuong aura na nakapalibot sa buong opisina niya.

"N-No sir. I-I'm sorry"

"Come here sit." Turo niya sa upuang nasa harap ng mesa niya. "Don't be scared. You're shivering" nagpakawala siya ng mahinang tawa.

Naglabas siya ng isang wine at dalawang wine glass sa mesa niya "Wine?" Tanong niya sakin at agad akong umiling. "Wala naman tong lason" tumawa ulit siya at nag uminom ng wine na inihanda niya.

"S-Sir b-bat nyo po ako p-pinatawag?" Pigil kabang tanong ko dahil parang wala naman siyang sasabihin o iuutos sakin.

"You need money ASAP right?" Dun ako natigilan sa tanong niya na para bang nababasa niyang kelangang kelangan ko talaga ang pera ngayon.

"P-Po? B-Bakit nyo alam sir?" Ngumiti lang siya sakin at iniba ang usapan.

"You'll do anything to earn money right?" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot kasi nga sa tono palang ng pananalita niya natatakot na ako.

Nagdadalawang isip pa akong sumagot sa kanya. "O-Opo" di ko alam bat lumabas sa bibig ko agad ang sagot dahil nga natatakot ako kung ano ang gagawin niya.

Hindi naman sa iniisipan ko si sir ng masama kasi nga iniisip ko yung narinig ko nung isang araw

"Harder Marcus! Yan! Shit!"

Bumalik nanaman ang salitang yan sa isip ko. At mariin akong napapikit ng hindi niya nakikita.

"Hmm okay." Aniya nang napaka seryosong mukha ulit sabay lapag ng inomin niya sa mesa. "Get naked" halos mahigit ang hininga ko sa sinabi niya. Natigilan ako. Gusto kong lumabas pero hindi ako makakibo baka isang suway ko lang sesante ako. Ngayon pa't kelangang kelangan ko ng pera. Sinasabi ko na nga bang masama ang kutob ko rito!

Diko alam ang gagawin ko.

Basang basa na ng pawis ang kamay at noo ko at kinakabahan talaga ako.

My Only DesireWhere stories live. Discover now