"Jared, alam mo ba, si Valerie raw ang architect nitong restaurant na 'to." Caniel told me when we were already outside the restaurant.




Paniguradong nang-aasar lang 'tong gagong 'to. Paanong magiging si Valerie ang architect, e noong college pa kami ay nakatayo na ito rito sa Makati. Business partner pa ng Paradise V ang food corporation ng restaurant na ito.



"Pare, gagi! 'Yun oh!" Pinagtatapik ako ni Archie na may nginunguso pa kaya tumingin ako sa direksyong iyon.




"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!" Sabay-sabay pa silang nagsayawan at nagkantahan. They were snapping their fingers in unison.



I didn't realize I was following her with my gaze as they enter the restaurant in front of where we're standing. Buti na lang at malayo siya, kung hindi baka nayakap ko na siya kanina pa.




Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya pero humarap siya ng kaunti sa direksyon namin nang isasara na niya ang pinto. She was smiling. Mabuti nga iyong gano'n. Masaya na rin akong makita siya ngayon.



Tss, badtrip lang. Kung hindi lang nila kasama si Claire ay iisipin kong boyfriend na ni Valerie 'yung lalaki niyang kaibigan. Pinalagpas ko na lang ang gabing 'yon at umuwi na.



Sa bahay ako dumeretso dahil hinahanap ako ni Jarah. Nasa bahay rin si Mommy kaya sinabi ko sa kanyang nag-resign ako para magtrabaho sa Dreams and Design. Nag-alok pa siya ng tulong para makapasok ako sa kumpanya ng mga magulang ni Valerie. Humindi na lang ako dahil naalala ko ang sinabi ni Deb saakin.



That night, their company really did send me an e-mail. Ang kaibahan lang ay sa Daddy mismo ni Valerie nanggaling iyon. Tapos may nakalagay pa roong inimbitahan nila ako sa bahay nila!




Bakit? Bakit doon pa? Paano nalang kung naroon si Valerie?! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag makaharap ko na siya. Pero pumayag pa rin ako dahil pampa-good shot na rin 'yon sa mga magulang niya.



Ang dami nilang tinanong na hindi naman related sa trabaho. Hawak nila ang resume ko pero ang mga tanungan nila ay 'may gusto ka pa ba sa anak namin?', mga ganyan.



Na-pressure ako pero sinagot ko pa rin ang mga tanong nila bukod sa kung may gusto pa raw ba 'ko sa anak nila. Syempre oo ang sagot ko, kaya nga 'ko nag-apply sa kumpanya nila. Pero hindi ko na lang sinabi, nakakahiya, e. I even told them wholeheartedly that my Dad already passed away. Nagkatinginan sila at parang naawa pa sa'kin. Kaya inassure ko silang okay na 'ko ngayon. I should be, right?



Nagulat ako nang sabihin ng Mommy ni Valerie na balak niya talaga akong sadyain sa GDC at aluking magtrabaho na lang sa kanila.



"Engr. Jared Vasquez." In-offer ko ang kamay ko ng nakangiti.



Nag-walkout siya!



Winalkout-an niya 'ko! Bakit parang galit siya?! Dahil sa nangyari ay si Deb na lang ang tumanggap nung kamay ko. Pucha, nakakahiya! Sumunod ako sa kanya sa company dahil hinahanap ako roon. Kabadong-kabado 'ko habang naglalakad papuntang boardroom. But the nervousness instantly got washed away when I saw her inside, sitting beside her guy friend. Magkapatong pa ang kamay nila.




Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now