"At least ngayon successful ka na sa pinili mo."

"Yeah, ginawa ko talaga 'yon para sa iyo."

Nag-angat ako ng tingin. Pinakatitigan siyang mabuti. "I want you to have nice future to me."

"Parang siguradong-sigurado ka sa akin, ah?"

Humalik siya sa noo ko. "Ewan, tinamaan."

"Ang lupit mo pala magmahal, idol."

"Kung ano-ano tinatawag mo sa akin, ate."

"Ikaw rin naman."

"Anyways, mag-videoke na lang tayo. Isang oras pa bago ang new year."

"Sige."

Siyempre ang una niyang sinalang ay 'Your Name'.

"Duet tayo."

Nakangiti kong kinuha ang mic. Nagsimula ang kanta. Katulad noon en-enjoy namin ang pagkanta. Hindi naman ako kagalingan, sapat lang, masasabing may boses.

"Go, Sexy Baby!"

Pumasok siya ng kusina. Pagbalik ay may dala nang alak.

"Ako lang ang iinom. Bawal ka."

"Bawal nga 'yan sa bata," pang-aasar ko.

"Bawal din 'to sa may allergy."

"May gamot ako."

"Bahala ka nga."

Dumaan ang maramimg kanta. Pipiyok-piyok na kami at susuray-suray.

"Happy New Year, Sexy Baby!"

"Wala pa. Hindi pa twelve," tumawa ako.

"Advance hehe," inagaw niya ang mic sa akin. Kanina pa kami nag-aagawan sa mic. Sinasabunutan ko siya kapag inaagaw niya ang kanta ko. Habang umiinom kami kumakain na rin kami.  Hilig niya pala ang ubas.

Nalungkot lang ako sa isiping hindi ko makakasama ang pamilya ko ngayon. Siguro kung tinanggap lang ni papa na hindi kami magpakasal ni Xen nandoon siguro kami ni Fervid ngayon.

"'Wag ka nang sad." Isinayaw ako ni Fervid. "Nandito naman ako."

Pinalis ko ang luhang tumulo. "Hindi ko kasi makakasama ang family ko ngayon."

"Gusto mo bumalik na tayo?"

Umiling ako. "Ayaw ko. Kapag binalik mo ako ipapakasal nila ako kay Xen."

Sabay kaming bumuntong-hininga. "Hindi naman ako suwail na anak ngayon lang. Ayaw ko lang talagang matali sa taong hindi ko mahal."

"Shh," humalik siya sa noo ko. "I just want to remind you that staying at my side is also turning back to your family. Is that what you want?"

Umiling ako. "Ayaw ko, pero mahal kita. Hindi nila matatanggap 'yon lalo na ni papa."

"Hakuna Matata," bulong niya sa tainga ko. "Change topic. Let's left behind all the worries. What makes sense is that we're here. We're together."

Tumango ako. "Thank you for loving me," mahigpit ko siyang niyakap.

Uminom, nagtawanan, kumanta, sumayaw, umiyak at nabaliw na kaming dalawa habang hinihintay ang new year. Kahit kaming dalawa lang ang magkasama ngayon sobramg saya ko pa rin. Ito 'yong sayang hindi matutumbasan kailanman.

Nag-ring ang phone ko. Kinuha ko agad. Bago na ang sim nito kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag.

"Happy new year!"

Tumulo ang luha ko nang marinig ang boses ng mga Nematoda.

"Happy new year," mahinang sambit ko.

UNUSUALLY BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon