Kumain na kaming lahat at pagkatapos ay umuwi na kaming lahat sa mga bahay namin. Nag-dyip lang ako kaya naglakad pa ako papasok ng village. Malayo-layo pa ang bahay namin kaya nalutang ako sa kakaisip.
I keep saying to myself that it was a dream, but I keep asking myself why it feels so real? Napahawak ako sa labi ko. Nararamdaman ko pa ang labi niya na nasa labi ko.
Bakit ganoon? Anong naisipan ko at ginawa ko yo'n?
Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Allyson sa sala.
"Ate!" Tawag niya sa akin. Nasa hotel siguro si Mama kaya wala dito. "Yari ka kay Mama!" Sabi niya sa akin sabay tawa. Nakataas pa ang hintuturo niya habang tumatawa.
"Sige," Tipid kong sagot. Hindi 'to titigil hangga't hindi ako ang lalayo dito, kaya ako na ang nag-adjust. Aalis na ko.
"Ga-ganiyan ganiyan ka pa, ah! Yari ka talaga!" Sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin at umakyat na sa kwarto ko.
Pagka-akyat ko mas lalo pa akong nawalan ng gana. Ang gulo ng kwarto ko. Sobra. Kung hindi ko pa lilinisin 'to lalo akong mayayari sa nanay ko at baka hindi na ako palabasin 'non habang buhay.
Hindi ko alam kung nakapag-paalam ba ako sa kaniya kagabi pero dahil sinabi ni Allyson na yari ako...Malamang, hindi ako nakapag-paalam. Tinignan ko ang orasan. 9:00 pa lang ng umaga. Himala. Ang aga kong gumising kahit passed out ako kagabi. Sinimulan ko nang maglinis ng kwarto ko.
I began in my bed. The sheet on my bed is filthy. It's a blue floral bed sheet. It's color is a faint blue, making it appear unclean. I took off the pillowcases, but it was quite difficult for me to take off my bed sheet and comforter due to their weight.
Pinalitan ko siya ng brown checkered na bed sheet. Mas manipis na 'to sa isa kaya hindi na ako ng nahirapan ikabit. Inayos ko lang ang mga unan at sinunod ko na ang study table ko.
Sa lahat ng gamit ko, ito lang ang pinaka-iingatan ko. Napakadami kong color pens, highlighters, notepads, markers at kung ano-ano pa. Mas madami pa ang collection ko ng mga ganito kesa sa makeup ko.
My room is small and it only fits what I need. My study table is across from my bed. I also have a book shelf because as I said I love to read, like Bri.
Habang ang vanity table ko naman ay nasa tabi ng kama ko. Mga simpleng products lang ang meron ako. Hindi ko kasi alam kung ano 'yung mga magagandang products. Pero si Cassy ang mahilig sa ganito, tinutulungan niya ako kapag kailangan ko ng makeup. And I think, mahilig na 'rin sa ganito si Daine.
Inayos ko 'rin ang closet ko, pero dahil hindi naman ganoon kagulo 'yon ay natapos agad ako. Nagwawalis na ako ngayon dahil lahat ng kalat kanina na makita ko sa study table at vanity table ko ay sa sahig ko tinapon.
Habang winawalisan ko ang ilalim ng kama ay may tumabig na parang libro sa walis. 'Wag mong sabihing may libro ako dito?
Kinapa ko sa ilalim hanggang sa makuha ko. Pagkakuha ko ay napatitig ako. It's our photo album. With Papa. It is a pink photo album with some baby stuffs stickers. May nakasulat sa cover na 'I Love You'.
Here are some images of myself as a baby with my father. When he left us, I was eight years old. And I recalled what had happened at the moment. I just stared at it for a long time, not realizing that tears were welling up in my eyes.
"Ate!" Biglang tawag sa akin ni Allyson. Sa pagkabigla ko ay nabitawan ko ang photo album.
"Bakit?!" Sagot ko sa kaniya habang pinupunasan ang luha ko.
Why do I always cry when I remember you, Dad?
"May bisita ka! Dalian mo, naglalaro ako!" Sabi niya. Bisita? Sino namang bisita? Tumingin ako sa orasan. 12:20pm na pala.
YOU ARE READING
Pain In My Heart
RandomLife Series #1 People go through so much pain trying to avoid pain. We don't want to feel the pain. We don't want to be hurt. Time doesn't heal emotional pain, you need to learn how to let go. Every pain serves as a lesson to us. We get hurt, we fee...