"Oo nga, saan mo dinala si Ally, ha?! Bakit mo iniwan?!"

"Ako ang iniwan niya. Sumulyap lang ako sa chix kanina, bigla na lang siyang nawala sa tabi ko. Dinagit yata ng isang gago!"

Napahampas naman sa noo si Audrey. "Hindi na nakakapagtaka kung sino ang kasama niya ngayon."

Napatango ako. Maging ako'y may ideya na rin kung sinong kasama ni Ally. Mukhang ayaw talaga siyang tigilan nito.

Hindi na namin hinintay pa si Ally. Sinabi rin niya na umuna na kami. Tahimik lamang kaming lima sa byahe.

Tanging ang tugtog sa sasakyan ang nagbibigay ingay sa aming mga tainga. Magkatabi na kami ni Dave pero malayo ang distansya ng agwat naming dalawa.

Halos siksikin niya sa gilid si Zion. Nakakunot tuloy ang noo nito, halatang nagtataka kung bakit hindi kami nagpapansinan ni Dave.

Mabilis kaming nakarating sa apartment. Si Terrence na ang nagpasok ng pinamili namin samantalang si Zion ang bumuhat ng malaking frame na nakabalot sa dyaryo. Hindi pa namin nakikita kung anong hitsura niyon.

Dalawa iyon, naiwan iyong isa sa sasakyan na mukhang para sa kanila.

Bumaba ako ng sasakyan nang hindi man lang sinusulyapan si Dave. Nahihiya talaga ako. Akala ko pa naman uuwi na sila pero mukhang balak pa nilang tumambay dito.

"Sieana..."

Hindi ko napansin na sinundan pala ako ni Audrey sa kwarto ko. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama habang sapo ang aking mukha.

"Sorry talaga, Sieana, kung naabala ko kayo kanina. Wala akong ideya na ganoon na pala ang eksena sa inyo. Pero tinuloy niyo ba?"

"Audrey!"

Nilingon ko siya at pinaningkitan ng tingin. Humalakhak lang siya. "Hindi ko na alam..."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Anong hindi mo na alam? Nahuhulog ka na ba sa kaniya?"

Umiwas ako ng tingin. "Posible ba iyon? Wala pa ngang isang buwan kaming nagkakilala tapos mahuhulog na agad ako sa taong iyon?"

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. "Alam mo kasi kahit na isang araw pa lang kayong nagkakilala, o isang linggo pa, kung tumibok agad ng mabilis ang puso mo sa taong iyon. Wala ka nang magagawa pa. Hindi mo na mapipigilan pa ang nararamdaman mo."

Napailing ako sa sinabi niya. "Imposible ang sinasabi mo. Sinabi ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi na ako mahuhulog pa sa iba. Natatakot na akong masaktan ulit."

She let out a heavy sigh. "Niloloko mo lang ang sarili mo..."

"Matagal na akong naloko." Mapait akong napangiti.

Ilang buwan na ang nakalipas noong malaman ko ang namamagitan sa kanilang dalawa. Parang sariwa pa rin sa puso't isipan ko. Inahas ng itinurin kong kaibigan ang lalaking mahal ko.

Ang hirap nang ibigay muli ang puso ko sa iba.

"Oo, niloko ka ng isang tao. Pero hindi ibig sabihin niyon na lahat ng lalaki ay manloloko, na lolokohin ka rin tulad ng ginawa ng gagong iyon. Huwag mong idamay iyong iba."

Natigilan ako sinabi niya. Tama naman siya pero natatakot na talaga ako. Pakiramdam ko'y masasaktan ulit ako kapag muli akong nagmahal. Na mas doble pa ang sakit na mararamdaman ko.

"Hindi kita maintindihan. Noong una, pinapalayo mo 'ko sa lalaking iyon. Sinasabi mo pa na sobrang sama ng ugali nito pero ngayon... bakit biglang umihip ang hangin at nagbago na ang desisyon mo? Ipinagtutulakan mo na ako sa taong iyon!"

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon