Ang pogi naman ng anak ko , maupo kana para makapag almusal - sabi ni nanay habang nag hahain ng almusal kaya nginitian ko si nanay at umupo ako sa upuan ko
Galingan nyong dalawa sa first day nyo ah - sabi ni nanay habang akmang kakain narin
Oo naman po nay ! Lalo na ngayon na mas gaganahan akong pumasok dahil ganyan nag pag aasikaso mo sa amin - sabi ko ng nakangiti tsaka isinubo ang pagkain ko
Talaga ba kuya ? Baka binobola mo lang ang nanay , nag papadagdag ka ng baon nuh - bara naman sa akin ni ely kaya binatokan ko nalang sya pero di nman malakas
Nay oh , si kuya - sumbong ni ely kay nanay
Tumigil na kayong dalawa , at bilisan nyo dyan , malilate na kayo - sita sa amin ni tatay , kaya tinawanan nalang kami ni nanay , naging mabilis ang almusal namin dahil malilate na talaga kami , after namin mag almusal ay umalis narin kami pero andaming munang hinabilin sa amin nila nanay at tatay , nakasakay kami ni ely sa bike at nakaangkas sa likuran ko si ely , bago ako pumasok ay idinaan ko muna si ely sa school nya , Grade 3 palang si ely at nag aaral sya sa El Grande Elementary School , school na pag mamay ari din ng el grande , public school sya for elementary , pagkahatid ko kay ely ay pumunta narin ako sa school ko , kinabahan pako dahil ito ang unang beses ko na makakapasok sa International , medyo nahiya pako dahil pagpasok ko sa parking lot puro nakakotse ang lahat ng student doon samantalang naka bike lang ako pero isinantabi ko muna ang hiya ko at inilayag ang bike ko sa parking lot para sa mga bike , after kong ilagay yun ay nag lakad nako papasok ng campus at kitang kita ang pagkakaiba ng mga student dito dahil muka talagang mayayaman , diko narin pinansin dahil mukang di rin naman nila ako pinapansin nakatingin lang ako sa lupa habang naglalakad papuntang classroom ko ng biglang nag kaingay ang mga student ..
Andyan na si Zinniah !! - sigaw nung isang student dahilan para mapatigil ako at nilingon ang pinanggalingan ng sigaw pero mas napalingon ako sa tatlong babae na naglalakad papasok ng campus at muka dito pa sa direksyon ko ang daan nila , biglang nag slow motion ang paligid ko ng makita ko si Zinniah , ang babaeng pinapangarap ko , ang babaeng isa sa mga dahilan kung bakit ako pumasok dito sa International ..
Ang ganda nya ♥️
Paghangang sabi ko sa sarili ko , nakapako lang ang tingin ko sa kanya na tila walang ibang tao kundi kaming dalawa lang , di ko maiwasan ang bahagyang pagnganga ng bibig ko lalo na ng hawiin nya ang kanyang buhok dahilan para mas lalo kong makita ang kabuuan ng kanyang muka , higit pa sa salitang perfect ang buong pagkatao nya , maputi , katamtaman ang tangkad nya para sa isang babae , nangungusap ang maganda nyang mata na may mahabang pilikmata , may katamtamang tangos ng ilong na bumagay sa kanyang muka , mamula mula ang kanyang labi habang nakangiti , di na kailangan ng make up dahil napaka natural ng kanyang ganda ...
Excuse me - napaiktad nalang ako sa salitang lumabas sa kanyang bibig , di ko namalayan na nasa harapan ko na pala sya mismo ..
S-sorry - utal na sabi ko , pero isang ngiti naman ang ibinigay nya sa akin dahilan para mapalunok ako
Ngayon lang kita nakita , transferre ka ? - nakangiti paring tanong nya
A-ah O-o - utal paring sabi ko kaya nainis lang ako sa sarili dahil di ko magawang ideretso ang sinasabi ko
Hello , i'm zinniah calma , you are ? - nakangiting pakilala ni zinniah sa akin kasabay ng paglahad nya ng kanya kamay na nangangahulugang gusto nyang makipag shake hands sa akin , hindi ko agad naiabot ang kamay ko dahil sa sobrang kaba at pangingilig kaya ibinababa nya na lamang ang kanya kamay at isang magandang ngiti ang ibinigay nya sa akin .
BINABASA MO ANG
After You Came
Teen FictionDISCLAIMER !! This is a work of fiction. Names, Characters, Events, Places and Incidents are either product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, real events, living or dead is purely coincidence. PLAGIARISM IS A CRIME !! N...
Chapter 1 :
Magsimula sa umpisa