"Simula nang makauwi ka, ngayon na lang tayo makakapag-usap ulit..."
"Kaya nga." Marahan akong napangiti nang basagin ni Primo ang katahimikan habang nag-aantay kami rito sa loob ng sasakyan ni Wind. "Sila Tita?"
Primo smiled a bit. "Susunduin na namin sa airport mamaya. Pinapapunta kayo sa Bulacan, may salo-salo raw."
"Baka pagkaguluhan ka," biglang singit naman ni Wind sa usapan namin pagkabukas niya ng pinto nang makabalik na siya saka nakangiting inabot sa amin ni Primo 'yung hawak niyang canned soda bago siya umupo sa driver's seat.
Tahimik na uminom do'n si Primo saka sumandal sa inuupuan niya. Siya lang ang tao sa back seat kaya minsan ay sa salamin na lang ako tumitingin. "Hindi 'yon, nagsabi naman kami. Tsaka sa isang exit daw lalabas sila Mama."
"Sigurado kang pwede akong sumama?" Bahagyang sumeryoso ang mukha ni Wind kaya nabaling sa kanya ang tingin ko. Binuksan niya lang 'yung inumin niya saka tuloy-tuloy na lumagok doon.
"Oo naman," ani Primo saka siya muling ngumiti nang bahagya. "Mukhang kailangan niyo ring mag-usap ni Mama since... you and Alei will probably plan on getting married sooner or later."
Nagpabalik-balik lang sa kanilang dalawa ang tingin ko saka ako marahang umismid saka ko diniretso ng inom 'yung soda na hawak ko.
Biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko. Alam naman naming doon din kami papunta pero matagal pa naman ata 'yon. Hindi pa naman pormal na... nagtatanong si Wind.
"How's Mika? The last time na nakausap namin siya ni Wind, 'yung sa adaptation pa," tanong ko kay Primo para maliko na muna 'yung usapan.
"Okay na ba siya? Kumusta?" pagtatanong rin ni Wind.
Napailing lang si Primo saka naiistress na nagmasahe ng sentido. "Still a headache."
Napangiti na lang din kami ni Wind nang magkatinginan kami. Kung gano'n, mukhang okay na sila ulit.
"Hinahanap na ko nila Hamin. Balik na muna ko sa loob. Punta kayo mamaya ah? Aasahan kayo nila Mama."
I nodded before I waved my hand. Tinanguan naman siya ni Wind saka marahang tinapik ang balikat niya. Pagkababa ni Primo ng sasakyan ni Wind ay tumakbo na rin siya kaagad papasok sa BTL. Naiwan naman kami ni Wind dito sa loob kaya agad din akong napatingin sa kanya.
"Ayos ka lang?" marahang tanong ko nang mapansin ang pagkatulala niya habang nakatingin lang doon sa inumin niya.
Malalim na bumuntong-hininga si Wind bago tumingin sa akin. Inabot niya rin ang kamay ko na kaunting nagpakiling sa ulo ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Kinakabahan," tipid na sagot niya. Pagkatingin niya sa mga mata ko ay alangan din siyang ngumiti. "Dalawang Mama mo ang pupuntahan natin mamaya."
I smiled a bit and caressed his hand. "Si Mama, magugustuhan ka no'n nang walang duda. Hindi ka man niya makita nang personal, alam kong mamahalin ka rin niya katulad ko. Si Tita Ally, alam kong okay na siya sa 'yo. Mabuting tao ka, Wind. Imposibleng hindi niya makita 'yon. 'Wag kang mag-alala, nandito naman ako."
Saglit akong napahinto nang marahan niya kong higitin para yakapin. Niyakap ko rin siya pabalik saka ako pumikit habang tinatapik-tapik ang likuran niya.
"Hindi na ko mawawala sa 'yo ulit. Pangako," bulong ko na mas lalo lang nagpahigpit ng yakap niya sa 'kin.
"I know," mahinang sagot niya. "Hindi ko rin naman hahayaan."
Humarap ako sa kanya saka ko inilapit ang mukha niya sa 'kin. Bahagya akong ngumiti saka ako tumango. "Hindi natin hahayaan."
Pagkatapos ng ilang oras ay bumyahe na rin kami pa-Bulacan. Bago kami magtungo sa bahay nila Tita Ally ay dumiretso na muna kami sa Memorial para dalawin si Mama.
Pagkababa pa lang namin ng sasakyan ay humampas na agad sa balat namin ang malakas na ihip ng hangin. Kusang lumibot ng tingin ang mga mata ko.
Ilang taon na rin akong hindi nakadalaw rito. It felt... so new yet familiar. Siguro ay dahil bumalik na rin ang mga alaala na kasama ko si Mama pagkatapos ng matagal na panahon.
Pagkarating namin sa puntod ni Mama ay sabay kaming nagbaba ng puting rosas ni Wind. Naupo naman ako sa damuhan habang si Wind ay nanatiling nakatayo habang tahimik na nakatingin sa akin.
Maliit akong ngumiti bago ko ipinikit ang mga mata ko para magdasal. For my Mom's peace and genuine happiness up there.
Pagkadilat ko ng mga mata ko ay marahan kong hinawakan ang puntod niya saka ako huminga nang malalim bago ako mapait na napangiti.
"Ang sakit pa rin po ng mga alaala mo sa akin, Ma," mahinang bulong ko. "May sakit pa rin pala."
It hurts. But what can I do? Those memories with you completes me as a whole. Kahit pa na masakit ang mga 'yon. Kahit na hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko na iniwan mo na talaga ko. Na you finally choose your own peace, rest, and happiness. Na pinili mong piliin siya at ang sarili mo sa tinagal-tagal ng panahon na lumipas. Doon ka masaya, kaya sino ba naman ako para hangarin na manatili ka rito sa mundo na ang tanging ginawa lang sa 'yo ay saktan ka?
Hindi ko naunawaan noon. Pero, Ma, ngayon na nandirito na ko, nagmamahal katulad mo, naiintindihan ko na. Some people can love beyond measure, beyond time, and beyond this lifetime. Isa ka roon.
Following him might be the only answer to finally end your pain. Maybe, we're not an enough reason to stay during your hardest time... because your heart was already with him. 'Yung pagmamahal na kahit gaano ka kalayo, kahit gaano ka ka-nawawala, at kahit gaano na ka-imposible, kusa ka pa ring ibabalik sa kanya.
Your greatest love. Siya 'yon, Ma, hindi ba? My Dad... that one that you're talking about for so long, the one in your dreams, the one who made you feel at peace, ang nag-iisang minahal mo.
Ganoon pala. Talagang may taong darating sa buhay natin na kakayanin nating ibigay lahat. Kasi ngayon, Ma, alam ko na. Alam na alam ko na.
Marahan kong inangat ang tingin ko kay Wind. I smiled faintly when I saw him silently praying, taimtim na nakapikit ang mga mata habang nakalagay ang isang kamay sa dibdib.
Ibinalik ko ang tingin ko sa puntod ni Mama. Ma, he's probably talking to you.
"Ma, si Wind po," nakangiting bulong na pagpapakilala ko.
Siya po 'yon... 'yung nag-iisang nakapagparamdam sa akin ng kakaibang pagmamahal. Pagmamahal na kahit limutin na ng panahon at anurin man ng sandamakmak na alon, ibabalik at ibabalik pa rin kami sa kung saan kami dumaong. Sa kanya ko naramdaman 'yung salitang tahanan. Kakaiba siya, Ma. Kahit ako, hindi ko maipaliwanag at inakala na mamahalin ko siya nang ganito.
Simula umpisa hanggang ngayon, alam kong nanatili na sa kanya ang puso ko. Kaya siguro patuloy akong dinadala nito sa kanya, kasi sa simula pa lang, siya na talaga.
Ma, alam kong mamahalin mo rin siya katulad ko. Napaka buti po niyang tao. His heart has always been pure and sincere. Ngayon ko po napagtanto na napaka swerte ko sa kanya... dahil sa lahat ng tao na pwede niyang mahalin, sa akin siya dinala ng tadhana.
Hindi ko na siya... dapat pakawalan pa, 'di ba po?
Maliit akong napangiti bago ako muling huminga nang malalim.
Ma, ngayon lang po ako makakapagpaalam. Gusto ko po sanang kayo ang unang makaalam ng nararamdaman ko at ng desisyon ko. I love you so much, and I know that you know me more than I know myself.
Mahal na mahal ko talaga siya, Ma.
We've waited long enough. It has been so long overdue... pero, sa tingin ko, ito na rin talaga ang tamang panahon.
I will finally say yes. On my birthday. January, Halamanan Festival, on the day when I first saw him.
BINABASA MO ANG
Every End of the Day
RomanceAlazne Grace, from the Film Department of College of Performing Arts, had numerous unexpected encounters with Wind, the main vocalist and guitarist of AU's band, until this simple interaction evolved to something deeper. Will this encounter be the r...
CHAPTER 36
Magsimula sa umpisa