"Ang taba na kase ng pisnge mo ang lakas mong kumain" tumatawang sabi pa rin ni Mommy.
"Mommy, konti lang naman po yung kinain ko dalawang hotdog lang naman po atsaka isang itlog at dalawang ham at bacon po tsaka po dalawang tinapay" sagot ko sa kanya pero mas lumakas yung tawa niya kaysa sa kanina.
Ano bang nakakatawa don eh ang konti nga lang nung kinain ko.
"Konti nga lang,Anak" sagot niya habang tumatawa pa din.
Luh si Mommy sobrang happy sana all.
Natigil lang si Mommy nung biglang pumasok si Ate sa dining.
"Mommy,papasok napo ako" paalam niya.
Tumingin naman siya saken."Tammy,tara na sumabay kana saken para dika na maglakad don din naman daan ko ngayon dahil may dadaanan pa ako don" sabi naman niya saken.
Ayy wow may dumaan sigurong angel sa harap ni Ate kaninang umaga dahil ang bait niya simula kanina.
"Sige,Ate wait lang kukunin ko lang yung bag ko" sagot ko sa kanya at mabilis na umaakyat ng hagdan at nagtungo sa kwarto para kunin yung gamit ko.
Bumaba ako at lumabas na ng bahay dahil wala na sa dining si Mommy at Ate.
Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si Mommy na nagdidilig ng mga halaman at tumingin ako sa tapat ng gate nakita ko naman si Ate na nakasakay na sa kotse niya at hinihintay ako.
"Mommy,pasok napo ako aalis napo kami ni Ate" paalam ko kay Mommy at humalik sa pisnge niya at lumabas na ng gate.
"Sige anak,mag iingat kayo" nakangiting sabi niya at nakipag beso din sa akin.
"Sige po Mom,aalis napo kami" Paalam ko ulit at sumakay na sa kotse ni Ate.
Nung nasa tapat na ng gate nung school bumaba na ako ng kotse.
"Thanks,Ate" pasasalamat ko sa kanya tumango lang siya at pinaharurot na yung kotse niya.
Nice! Di lang pala attitude tong kapatid kona to hambog din minsan.
Pumasok nako ng campus at naglakad sa hallway patungo sa room namin.
Pagdating ko ng room dumiretso agad ako sa seat ko dahil wala pa dito yung dalawa kong kaibigan na bruha.
Naupo nalang ako habang hinihintay ko yung dalawa.
"Good morning Ms.Tamara Anika!" syempre si Ciara yan wala ng iba magaling mang inis to eh.
"Morning!" Walang gana kong sagot dahil bigla akong nawala sa mood.hystt! Nakakinip kaya dito tas ganito pa bubungad sayo.
"Good morning besty!" Bati din saken ni Wynona.
"Morning den!" Syempre wala pa ring gana kase nga tinatamad akong mag salita at wala na din ako sa mood.
Nag-kwentuhan lang muna kami habang hinihintay yung professor namin dahil masyado pang maaga para magsimula yung class kaya kailangan namin hintayin yung time.
Habang nag-kwentuhan kami natigil kami dahil sa lakas ng sigaw, lalaki siya pero ang ingay nya.
Nung malapit na sa pinto yung sumisigaw tinignan ko kung sino yon at yung impaktong lalaki lang pala nayon yung umagaw ng libro saken.
Mas lalo lang lumala yung pagka-badtrip ko at pagkawala sa mood dahil unang-una nakita ko yung impaktong lalaki nato! At pangalawang kinainis ko eh ang ingay niya ayoko pa naman sa lahat maingay dahil sanay lang ako sa tahimik na buhay.
Maya-maya lang ay may kasunod na siyang lalaki na sa tingin ko ay yung ang kahiyawan nya kanina.
Umupo na sa tabi ko si Calix kaya nanahimik nalang ako.Binatukan nung kasama niya si Calix, juskoo! Ang brutal nung mga tao nato! Parang elementary kung mag biruan kasaket sa ulo.
Maya maya lang din ay naupo yung kasama ni Calix,doon sa tabi ni Ciara. Nakss! Iba yung ngiti ni ate ghorl.
Dumating si Mr.Rivets kaya umayos nako ako ng upo.
"Good morning everyone" panimula ni Mr.Rivets"I have a little announcement because you have a new classmate again and he is Mr.Fuentes." pagpapatuloy niya. " Mr.Fuentes can you come here at the front and introduce yourself to your new classmates." Pagpapakilala niya sa bago namin na classmate na kasama ni Calix kanina.
"Good morning Mr.Rivets!" Sabay-sabay naming bati.
Tumayo yung kasama ni Calix kanina na si Mr.Fuentes daw at nag tungo sa harap.
"Good morning to all of you" panimulang bati niya sa lahat. "I am Kezly Fuentes, I studied in Korea from first year high school and third year high school and I came back here to the Philippines to study here again." Pakilala niya sa aming lahat.
Ayyy wow fresh from korea si kuya HAHAHA.
"Thank you! Mr.Fuentes" pasasalamat nung professor namin. "By the way Mr.Fuentes, I'm Mathew Rivets and i will be your teacher in the subject of Science and i will also be the adviser here." Naka-ngiting pakilala ni Mr.Rivets sa kanya.
Natapos silang ipakilala ang sarili nila sa bawat isa kaya nag discuss na yung aming professor.
Lumapit si Wynona sa akin at bumulong. "Tammy napapansin moba yung mga ngitian ni Ciara?" Bulong niya.Ganon naba talaga kahalata si Ciara?
"Baka in love na sa katabi niyang fresh from korya" natatawang bulong ko din sa kanya baka kase marinig kami nung professor namin.
"Ayyy iba den" bulong ulit niya.
"Galaw-galaw Wyn, napag-iiwanan ka ni Ciara" natatawang sagot ko sa kanya.
"Tse! Dyan kana nga makikinig nalang ako kay Sir" sagot niya sa akin at humarap na sa board at nakinig.
"Tsss! Humanap kana din kase ng bebe mo para dika na bitter dyan" pang iinis ko ulit sa kanya kaya bigla siyang humarap sa akin.
"Ay wow coming from you talaga" sagot niya sabay irap,syempre napikon na naman kaya ganon.Parehas kami ng ugali nito.
Everything is good for her, especially her lips, especially her narrow eyes, pero kung pag uusapan yung ugali wag nalang baka mahiya ka HAHAHA! Maldita itong babae nato.
Talaga ba,Tammy? Eh ganyan ka din naman.
Napapairap nalang ako sa naiisip ko dahil kadiri pala masyado yung ugali ko di naayon sa itsura ko.
Nasa cafeteria kami ngayon dahil lunch na at syempre hindi pa din nawawala yung ngiti sa pagmumukha ni, Ciara in love na nga ata don sa fresh from Korea HAHAHA!
To be continued~~~~~
YOU ARE READING
Paubaya
RandomHello! Ako si Tamara. Isa sa mga pangarap ko ang piliin. Sounds funny, right? Wala eh, buong buhay ko hindi ko pa kasi nararanasan 'yon. Palagi kasi akong nagpapa-ubaya, palagi kong iniisip yung mararamdaman nila kaysa sa sarili ko. Pero siguro gano...
Chapter 10
Start from the beginning