Ano daw? Alam kong ako lang ang nakarinig nun. Alam kong mahina lang yun dahil sinadya niya at mas lalong alam ko na para sa'kin talaga yun.

'Di na ako nagtanong pa. Bago siya umalis nakita kong tiningnan niya si S ng malungkot. Parang may something na di ko muna ii-spill. Next time na daw sabi nitong lalaking 'to. Kaya next time ko nalang din sasabihin kung ano yun.

Pero to be honest naaawa ako sa kanya. Oo totoo! Ewan ko kung bakit. Marunong pala akong maawa? Wehhh.

"The show is over! Alis na kayo mga 'CHISMOSA'T CHISMOSO'!" Taboy ni D. Inunahan ako.

She's bad. I mean S is bad. Ayaw kong may sinasaktang inosente. Feel ko na inosente siya. I can feel that guy is good. I think he's nice!

"Tara na?" Tumango si Gc sa'kin parang inanyayahan na akong pumasok na kami sa classroom.

Sumunod ako at nagpasiuna.

NABUNGARAN ko ang mga panget kong classmates. May nagme-make up, nagc-cp, naghaharutan sa jowa nila dito sa room. May nagchi-chika, nagbu-bulungan pero rinig naman kahit saan. Mga STUPID! Stupido! Stupida!

Napatingin sila sa'min. Balak na sana nilang tumahimik pero sinenyasan ko sila na magpatuloy sa mga business nila.

Mabait ako ngayon. Ok lang na mag-ingay kayo dyan ngayon. Isang beses lang 'to kaya sulitin niyo na.

"Ba't mo pina-iyak yun?" I asked S when my butt finally touched my chair.

"Clingy," she said.

"I think it's normal?" Sabat ni J.

Tumango ako sila din. Umirap lang ang bitch. Nasa hotseat siya ngayon. Iho-hotseat kita.

"I know you love him."

"Love? Nah wala akong love, By. You know that. Lumalandi lang ako pero 'di nagseseryoso." Hmmm?

"Is that so?" Duda ko kunwaring tanong.

"Yes! So, stop na. Ok?" Maarte niyang sabi.

"Pero kawawa si Thud," Bumaling naman si S kay Ken.

"I don't care if you all pitied him. I don't fucking care him!" Ulit! Sabi ni S.

Maldita talaga 'to. Ansama!

"Nah! 'Di ako naaawa sa kanya. 'Di ako kasali dyan," tanggi ni D.

"Ako din!" V.

"Me too." Gc.

"Here!" J.

Bumaling sila kay Dj. Para alamin kung anong masasabi nito,"..ang totoo naaawa ako sa kanya." 'Di niya alam kung itutuloy niya ba yung sasabihin niya. I can feel it!

"Naaawa din ako!" Pagtaas kamay
ni Ken. Paulit-ulit? Inirapan lang siya ni S.

"At ikaw?" Baling ni S sa'kin.

"No comment." Matabang kong sabi. Ang totoo gusto kong sabihin na naaawa din ako pero ma-pride 'to. Bobo! Gosh!

Naaawa nga ako ng little. Ok? Little lang ah?

ILANG oras kaming naghintay kung may papasok bang maestra. Pero wala. Ilang oras na kaya napagpasyahan naming lumabas na at nagdesisyon na rin ako na palabasin ang mga panget kong classmates. Sobrang ingay nila dahil sa sobrang saya. May naulol pa nga. May nagsabi din na magpapakain siya ng isang baranggay at inimbitahan pa ako. Langya! Pakain ka mag-isa mo!

Pinauuwi ko na sila o kung san man nila gustong magpunta kaya alis. Wala na akong pake kung may pasok pa basta ako ang nagdesisyon na pauwiin na sila. Remember I'm the most beautiful president in this school. So back off! Mga walang kwenta ang mga teachers dito. Wala silang kapangyarihan. Talo sila sa ganda ko. Malakas 'to. Ako? Papalagan nila?

"By, daan muna tayo sa Comfort Room saglit ha? Magpo-polbo muna ako. Malaki salamin dun eh," si S. Arte talaga nito!

"K."

Tapos sinabihan niya pa yung ibang mga bitch na hindi nakarinig sa sinabi niya. Ok na ok sila. Sila pa 'ampay' din yan nila. Mga puro arte yan. Ako din pala hahaha nakalimutan ko.

Naglakad na kami katulad ng dati pinagtitinginan pa rin kami. Pero mas nangibabaw ang kagandahan ko. As in!

Panay ang usap nila. Sinasali nila ako pero tipid lang ang sagot ko. Wala ako sa mood. Ewan ba?

Nagpasukan kaagad sila ng makarating kami sa BIG BIG BIG Comfort Room ng school na 'to. For girls 'to dito. May pam-boys din pero medyo malayo, baka kasi pag 'di ilayo. May mag-oink oinkan dito. Magchug-chugan. Naku! Mga malalandi pa naman mga students dito. Nag-iingat lang sila.

Sumunod na rin ako at nilapag sandali ang bag na dala ko sa may malinis na parte ng lababo.

Ayaw kong madumihan siya! Bawal!

Sobrang tagal nila nag-aartehan, nag-iirapan at kung ano-anu pang mga kalokohan ang mga ginagawa. Gosh! Parang mga bata! Naburo ako kaya kinuha ko na bag ko at lumabas, sa labas na lang ako maghihintay baka 'di ko sila matantya dahil nadamay ako sa kalokohan nila. Mga sira pa naman yun! Kalokohan nga naman!

Ilang minuto pa lang ako nakatayo dito sa kinatatayuan ko. Nakita ko nang papalapit ang bwisit na Clow na yan.

"Ano?" Inunahan ko siya. Alam ko namang ako na naman sadya niyan.

"Huh? Ahh. Hindi ikaw ang sadya ko, Miss."

Napanganga ako sa sinabi niya. FUCK!

"Kung ganon. FUCK! Fuck you! Get lost!" Galit kong sabi nag-assume ako. Fuck talaga! Gosh! Nakakahiya!

"Wag ka kasi mag-assume!" aniya,"..pero joke lang talaga hahaha. Ikaw talaga sadya ko, By!" Bawi niya.

"Fuck you!"

"Bad yan." Turo niya sa bibig ko.

"Fuckyy ko!" Singhal ko. Naiinis talaga ako.

"Sorry talaga." Malungkot niyang sabi,"..nagbibiro lang naman ako. Gusto lang naman sana kitang patawanin. Nakabusangot ka kasi."

"Pake ko! Fuck you! Fuck you!"

"Pwede ba kitang matanong?" 'Di man lang ako pinakinggan.

"Alis!" Bugaw ko.

"Can I ask you?" Ulit niya. 'Di ko rin pinakinggan. Kapal niya!

"Alis! Panget mo! Nabuburo ako sa pagmumukha mo! Bwisit!"

"Seryoso."

"Ano?!"

"Magtatanong ako ng seryoso sa'yo. Sana intindihin mo din ito ng seryoso," aniya. Na-curios ako.

"Seryoso na 'to."

"Oo nga ano nga?!" Tanong ko.

"Ayaw ko sana 'tong sabihin dito pero pwede ba kitang....ligawan?" sabi niya,"..seryoso ako. Wag mo'ko bigyan ng ganyang reaksyon."

Pinakiramdaman ko reaksyon ko. Napakunot pala noo ko at parang duda ang meron sa isip ko.

"Seryoso ako, By. Gusto nga kita at gusto kitang ligawan!" He said.

I don't know what to say.

Can you give me what the right thing to say?

Ba't biglaan ata? Wala nang intro-intro ah? Pangmadalian ba? Ganun ba siya kadali mag-desisyon? WOW! Ligawan agad? 'Di pa nga namin kilala ang isa't isa. Tapos ngayon gaganyan-ganyan na siya? Peste! FUCK! Gosh! I really can't believed him.

"WOW! Ligaw agad?! 'Di pa nga tayo nakakapag-introduce ourselves? WOW lang?!" Matabang kong tanong.

"Eh 'di kilalanin na natin ang isa't isa ngayon din. Simulan na natin." Sabi niya.

"Asa! Makipag-kilala ka mag-isa mo! Mukha mo!" Sarap kalmotin! 'Di ko na lang sinabi yun. Baka magawa ko talaga.

Kainis! Pero 'di ako kumakain.

Arhhhhhhhh! Sarap niyang kagatin. KA-GA-TIN. RAWR!


@KayptainRB


01-20-21—isinulat ko.

His Beautiful Bitch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon