I groaned.
"Bakit mo naman ako iniwan?" tanong ni Anya noong maabutan ako sa paglalakad. Hingal pa ng kaonti dahil sa paghabol.
"Ayaw mong umalis eh. Anong oras na oh, ma-le-late na tayo."
"Sus... 10 minutes pa oh," ani to habang pinapakita ang relo niya at 10 minutes pa nga talaga.
"Ang sabihin mo nagseselos ka!" sabi niya sabay tawa.
Nanlaki ang mata ko at natigalan ako sa sinabi niya. "Ako? Nagseselos? Saan naman?"
"Hoy Anya, you are obviously jealous. Look at yourself, you're turning red. Galit ka oh," aniya habang tinuturo ang mukha ko.
Iniwas ko ang mukha ko sa daliri niya at hinawi ito. "Hindi ako nagseselos at hindi din ako galit, okay?" mariin kong sabi kay Kyla.
Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi naniniwala sa akin.
I sighed.
Is she joking? Why would I get jealous?
"I'm just wondering. He doesn't let me to ride with him when I'm on skirt. Pero yung babae, di hamak na mas maikli ang palda pero hinayaan niya umangkas sakaniya..." I said and looked at her. "... okay ka na?" pagpapatuloy ko.
Napaisip siya saglit.
"Natural iaangkas yon, girlfriend yun eh," walang pasintabing sagot ni Kyla.
What? Girlfriend?
Parang may kumirot sa dibdib ko. I swallowed hard. Hindi na ko makatingin ng diretso kay Kyla.
Natawa ako sa sarili ko. Bakit ba hindi ko naisip yon? Hindi malabong mayroon siyang girlfriend. And all this time dahilan niya lang na nakapalda ako kaya ayaw niya akong iangkas pero ang totoo ay ayaw niya lang makita ng girlfriend niya na may angkas siya na iba.
Naalala ko yung babaeng gustong sumabay sakaniya pauwi, noong sinamahan niya ako sa bayan, siguro ay kahit wala ako noon ay sasabihin niya pading mayroon siyang pupuntahan para hindi isabay iyong babae.
Naalala ko din noong nagkita kami sa kabilang bayan. Tama ako na ayaw niya lang akong iangkas kasi nag aalala siya na baka mayroong makakita.
I tried to ignore it. Bakit ko ba pinoproblema yon?
Nilibang ko nalang ang sarili sa ibang bagay.
It's just a usual day. Ang ibang teacher namin ay nagdiscuss at naghabol ng lessons na hindi pa naituturo. Ang ibang teacher naman na kompleto na ang naituro ay ni-review kami para sa quarterly exam next week.
Ang teacher naman namin bago mag lunch ay ibinigay ang oras niya para ipagpatuloy ang project na ibinigay niya.
"Go to your partners," ani 'to sa amin.
Agaran ang pagtayo ng mga kaklase ko para pumunta sa mga kani kanilang ka-partner.
Nag aayos na ako ng gamit ko para lumapit kay Jesther pero naunahan niya ako.
"Dun ka na kay Clarrise Kyla," pagpapaalis ni Jesther kay Kyla sa upuan nito.
"Si Anya na ang papuntahin mo sa upuan mo," ani Kyla kay Jesther sabay irap.
"Dali na, nandito na ako eh," pilit ni Jesther.
"Si Anya na sabi."
Minadali ko ang pag aayos ng gamit at tumayo na.
"Ako nalang pupunta sa upuan mo Jes. Mag tatalo nanaman kayong dalawa."
Ginulo ni Jes ang buhok ni Kyla bago bumalik sa likod.
YOU ARE READING
Trepidation
FanfictionAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...
Kabanata 11
Start from the beginning