"And ohh! you look so lovely" I smiled.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun saka dumiretso sa driver's seat.
May inabot siyang boquet ng bulaklak sa likod.
"Lovely flowers, for a lovely lady" *winks*
"Tsk nakakapansin na ako ah panay wink mo- hulog na hulog na ako, pag di mo ko sinalo naku talaga" binulong ko yung kadugtong ng sinabi ko
"Baka nga ako ang di mo saluin eh"
"Ha?!" Homayghadd narinig niya kaya? Mommy help, nakakahiya!
Panay sulyap siya habang nagmamaneho habang ako pigil na pigil ang bawat hininga. Nasa labas lang ng bintana ang aking tingin sa kahihiyan.
"HAHAHAHAHA mukha kang tanga diyan"
"Hmp"
"Lilingon na yan, yieee love lingon na"
Natawa naman ako saka siya nilingon at nakitang nakangiti parin siya habang nasa daan ang mata, parang timang lang.
Ang daming tao sa lobby ng hotel. Kanya kanyang picture at awra.
Bigla tuloy akong napatingin sa dibdib ko huhuhu nahihiya na po ako.
Lahat kasi ng grade 10 students ang nandito, kasali ang ibang sections. Kilala ko naman sila di nga lang kaclose.
Nakipaghalubilo muna ako sa ibang mga kaibigan naming babae habang si Paul naman ay kasama ng mga kaibigan niyang lalaki.
Magsisimula na ang entourage. Naka upo na kaming lahat sa aming mga silya at tatayo pag tatawagin na upang maglakad sa red carpet.
Dapat susundoin ng lalaki ang kapareha nilang babae sa mesa ngunit naiba. Tatayo ang lalaki dahil una itong tatawagin at saka tatayo ang babae, magkikita sila sa gitna saka mag lalakad.
Naka upo ang lahat kaya kitang kita kung sino ang tatayo. Parallel ang arrangements ng table. Sa gitna ang dance floor at sa harap ang stage kung nasaan ang emcee.
Naeexcite na akoooo.....
Isa isa ng nakapaglakad ang mga estudyante at ng section na namin ang maglalakad ay naghanda na ako.
Chen si Paul kaya pang apat kaming maglalakad. Alphabetically kasi according to the man's surname.
"Another Dashing pair will be walking down the red carpet, With a black Armani suit let's call Paul Chen"
Ayern naaaaaaa!!
"And ofcourse with his stunning partner wearing a gold limited edition gown made by the owner of V. Power himself"
Taray may pa mention pa ng designer ng gown ko ah. Yes ghurl ako na yan at dahil proud ako bongga! tumayo na ako kahit hindi pa ako tinatawag.
Ngumiti naman si Paul sakin shemayyyy!
"Ms. Alyssa Ong, everyone"
Wtf?!
Nawala bigla ang ngiti ko nang out of nowhere ay lumabas si Alyssa at umangkla sa braso ni Paul.
Parehas pa talaga kami ng gown.
Hindi ko alam ang marararamdaman ko. Pahiyang pahiya ako na nakatayo doon.
Halatang nagulat din si Paul na lumingon sa akin pati ang escort ni Alyssa.
Ngumiti ako at nagpanggap na okay lang saka umupo. Alam kong papalit palit na ang tingin ng mga tao sa amin.
Nagsimula silang maglakad na ngiting ngiti si Alyssa, si Paul din ay pilit na ngumingiti sa camera.
Gusto kong maiyak na ewan.
Pasimple akong gumilid saka nag cr. Ang cr ng mismong hall ay pang isahan lang. Pagpasok mo sa pinto ay mismong cr na iyon. May sink, mirror at toilet. Pang mayaman ang disenyo ngunit di ko makuhang mamangha.
Naala ko ang itsura ni Alyssa kanina. Parehas nga kami ng gown ngunit mas bagay sa kanya.
Parang sinadya bang hapit na hapit ang disensyo sa dibdib niya para talagang kitang kita ang hulma.
Di ko din alam bakit may high slit ang sa kanya. Siguro sinadya niyang ipa customize tulad nung sabi ng staff.
Kung ako ay naka nude lipstick siya naman ay pulang pula na halos may hint of dark brown shade na.
Ang ganda at bagay na bagay sa kaniya. Nakaladlad ang buhok niyang nasa likod at may disenyo ang buhok niya na parang gold headband.
Naiiyak ako na naiinis pero alam kong walang kasalanan si Paul doon kaya kinalma ko ang sarili ko saka nag retouch.
Pag labas ko ng cr ay andoon pala si Alyssa.
She smiled at me then whispered
"Just getting what's mine dear"
Sabi niya saka ako iniwan at pumasok sa loob ng cr.
<3
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Teen FictionEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.
Chapter 12
Magsimula sa umpisa