"Trivia ko lang ha. Baka interested ka. Kaya kong hindi kumain ng kanin kapag kumain at uminom ako ng tinapay at kape!" pag kwe-kwento ko habang kumuha ako ng tatlong loaf ng tinapay kasama narin ang bacon and chicken Spread na gusto kong flavor sa mayonnaise.

Kakatapos lang namin sa may kape.

"That's not healthy." ngumise lang ako sa kanya binalewala ang ibig niyang sabihin

"Wala namang may pake kung hindi ako malusog." joke yun pero kita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa itsura niya.

Ngumise lang ako sa kanya at nauna ng maglakad.

Nag he-head bang pa ako dahil Starving ang pinapatug-tog ng Mall. Kaya mukha akong baliw dito. Kumuha ako dalawang pack ng yakult hangang napadaan ako ref na may mga canned beer. Kumuha ako ng tatlong San Mig light na parang sleeping pills ko na din ito kapag nag skip ako ng pampatulog.

Natigilan ako ng makita ko ang itsura ni Esher nang akmang ilalagay ko ito sa cart na puno na. Madilim ako nitong tiningnan kaya alanganin akong ngumite at tuluyan na ngang ilagay at naunang maglakad ulit.

"Why don't you buy vegetables instead o this..." narinig ko ang pagka disgusto sa tono niya.

Ngumite lang ako sa kanya ng malaki, hindi ko kayang eh share yung use ng alcohol sa katawan ko.

"Di ako kumakain ng gulay. Tugabang lang siguro at okra. Pampadulas." sagot ko sa tanong niya hangang napagpasyahan kong bayaran na.

Na te-tense ako habang nakatingin ako sa computer ng casher. Hindi talaga naalis yung mata ko habang nag pa-punch siya ng mga binili ko. Ganito ako palagi kahit na alam ko namang kaya ng bulsa ko.

"One thousand six hundred fifty six and seventy-five centavos, Ma'am." aligaga kung binigay ang 2k ko nakahanda na talaga siya sa kamay ko! Namamawis yung palad ko. Pero bago pa maabot yun ng casher ay may card nang nauna.

Gulat kong nilingon si Esher at tiningnan siya ng masama. He just shrugged his shoulder kaya instead of lashing him out tumahimik nalang ako. Hindi ako sanay sa ganon.

Oo nga, para akong hayok sa libre pero kung kaibigan ko. Hindi ko naman kaibigan to.

Tahimik pa din ako habang tulak niya yung cart palabas ng Supermarket.

"I'm sorry. I know you want to pay for your bill, but I insist..." huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Ngumite ako sa kanya ng napakalaki bago umiling.

"Okay lang. Pero nakakahiya. Kaya ko namang bayaran yun." natatawa kong sabi at hindi siya matingnan sa mata. Tanging ang mga tao lang sa paligid namin. Baka kasi iniisip niya na kinakabahan ako dahil wala akong pangbayad.

Duh. Hindi ako bibili ng kung ano-ano kung wala akong pera kalaunan.

"Just treat me some dinner, then." nabalik ang tingin ko sa kanya. Ngumite nalang ako at naghanap ng restaurant sa malapit tanging mga fast food chain lang. Instead, nahagip ng mata ko National Bookstore.

"Gutom kana ba?" tanong ko ngunit umiling naman siya. Ngumise ako sa kanya dahil kahit gutom siya dadalhin ko parin siya sa bookstore.

Walang makakapigil kahit kampon pa yan ni Lazardo sa Ang Panday!

"Bookstore muna tayo." aya ko at naunang maglakad.

Bahala siya diyan.

Malaki na siya.

Pumasok kami sa loob at ibinilin muna namin kay Kuyang Guard ang mga dala. Para akong bata dahil agad akong tumakbo sa isang shelf sa pinaka sulok dahil andon ang mga librong gusto kong bilhin.

Bruised In SilenceWhere stories live. Discover now