Sabi rin ng mga staff, normal na daw 'yon. 'Yung ibang lalaking staff daw don kasi nagiging single kapag may maganda. Ganoon daw, pero 'pag nalaman naman daw ni Matteo na ganoon 'yung tao, tinatanggal n'ya. Kaya nga halos puro babae empleyado nung mokong e.
I prepared all the needed things. Iniihaw ko na 'yung iba para 'pag uwi ng dalawa ay kakain na kami. 'Yung ice cream nilagay ko muna sa chiller para hindi ganoon katigas kapag kakainin na namin. Gagabihin ang kambal dahil malapit na ang semi finals ng vball, at next week naman ang regional level ng Math olympics.
Mabuti nalang at tapos na kaming magluto ni manang nang makauwi ang kambal. Halata sa kanila ang pagod, lalo na kay Lav.
"Shower, tapos baba na kayo rito sa may garden. Tapos kakain na tayo para makapagpahinga na kayo," they smile at me both and nodded.
Ni ready ko na ang kanin, they need rice. Alam kong pareho silang drained, sa magkaibang paraan. Naglagay na rin ako ng fresh orange juice. Bukas pagbabaunan ko nalang sila ng energy drink.
Nang makababa na sila ay pareho silang nakapj's na. Ang cute nila! Nakakamiss tuloy 'yung mga panahon na kami dati nila Thea ganito. Kapag mags-sleepover sa bahay namin.
"Ma'am Hannah, may bisita po kayo." Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng makita ko ang dalawa kong kaibigan.
"Uy! Napadalaw kayo?" I kissed their cheeks. Nag hi lang sila sa kambal dahil kumakain ito at ayaw na nila silang patayuin.
"Alam na ni Prime kung nasaan ako, gosh. Patago," pagmamakaawa sa akin ni Thea. Tumango lang ako dito at inalok sila ng pagkain. I told her na mamaya nalang kami mag-usap. Ayoko na makarinig ng ganito ang kambal.
"Wow, ang gagaling talaga ng mga baby ko!" Pagmamalaki ni Liana.
"Hoy, ako nanay nila," iniirapang sambit ko kay Liana.
"Ay bawal share?" Natatawang sambit nito.
"Para kayong baliw dalawa, grabe! Pero congrats mga baby namin! Ang galing galing n'yo sa acads, sanaol." Sambit naman ni Althea.
"Girl, sa pagkakaalam ko, ako lang tagilid sa'tin sa acads. 'Wag kang magsanaol o baka gusto mong ipukol ko 'tong buto ng baboy sa'yo?" Liana jokingly said.
"Gosh, you violent af! Andami kong ikakaso sa'yo." She rolled her eyes.
"Sabihin mo 'yan sa lawyer na nakabuntis sa'yo."
"Shh, guys, let's eat peacefully. Kailangan pang magpahinga ng kambal." Pagsaway ko sa dalawa. Jusko lang, bakit nga ba ulit nandito ang mga ito? Kay iingay, e lahat kami dito silent type of person.
Nang matapos kami ay agad nang nagpaalam ang kambal. Halata sa kanila na pagod na pagod na sila. Grabe, bakit ba kasi sila ganito? Pinapagod masyado ang sarili nila.
Hindi na nila nainom ang gatas nila at nakatulog na agad sila. Hinarap ko naman ang dalawa na pachill chill lang, akala mo walang problema.
"So ano meron?" I asked them.
"Ako na magkukwento," sambit ni Thea. "So, remember that Prime and Liana had a thing?" I nodded at her. "Tapos our condo unit is magkaharap lang?" I nodded again.
"Ilang araw na palang hindi pinapansin ni Liana si Prime. Tapos kanina, lasing na lasing si Prime. Pumasok s'ya sa condo ko inaakalang condo ni Liana 'yon. Kasama n'ya 'yung nakabuntis sa akin," huminga ito ng malalim.
"Nakilala ako noong lalaki. Natakot ako, dalawa sila e... si Prime wala sa katinuan kasi nga lasing. Sinigawan ako ni Prime na bakit ako tumakas at kung ano ano pa. Na bring up pa 'yung nangyari kay lola... tapos dinugo ako... dinala ako sa hospital, kasama namin si Liana... tumakas ako mula sa hospital, kasi natatakot ako... they said na kukunin nila 'yung bata sa akin. Bakit... bakit ba sila ganoon?" Umiiyak ito sa aking harap. Agad ko s'yang pinakalma, delikado na ang spotting sa kanya. 7 months na s'ya baka makunan pa s'ya.
"Alam n'yo name?" I asked them. Hindi nila ako sinagot... wala sa kanila ang sumagot... alam na nila agad ang gagawin ko.
.
"'Wag naman, gusto ko lang lumayo para makapag-isip. Hindi ko naman ilalayo sa kanya 'yung bata... hindi ko malalayo dahil alam kong 'pag nalaman ni lola 'to, hindi s'ya makakapayag na hindi kami ikasal noong lalaki. Lalo na'y business partners ang mga lola namin."
"So, anong gagawin mo?" Liana asked her.
"Makipagbati ka sa lola mo, tapos sabihin mo sa kanya o hahayaan mo ang sarili mong magkulong at habang buhay na matakot dahil alam mong may lalaking kukuha ng anak mo mula sa'yo."
After that long conversation, natulog na agad kami. Hindi ko magets 'yung logic noong lalaki. Bakit n'ya kailangang kunin ang bata? Hindi ba n'ya pwedeng panindigan nalang?
~~~~~~~~~
•LIGAYA•
YOU ARE READING
Still Waiting For My Moon To Be Back
Randomare you coming back into my arms? and love me again? because I'll open my arms wide for you... even if it hurts.