Punong puno tuloy ako ng pagtataka. Gusto kong itanong si dad pero paano?
"First time lang pumunta dito ni Mr. Frank diba mom?"
"Yes."
"Paano sila nagkakilala, di naman close yung dalawang yun."Nagtatakang tanong ko. Napatingin ako kay Amethyst na hindi din alam ang sagot.
"I don't know too." hindi na lang ako nagsalita. Dumating na ang mga pagkain at hinihintay na lang namin si dad na bumaba.
"Papasok ka na ba ngayon?" tanong ko kay Amethyst.
"Hindi muna. Sa lunes na muna ako papasok."
"Hmmmm sige."
"By the way anak, kamusta ang panliligaw mo kay Fuchsia?"tanong ni mom sakin.
"Okay lang naman po. Mukhang sasagutin naman po ako." proud na sabi ko.
"Masyado kang proud sa sagot mo. Baka mamaya hindi ka sagotin dahil sa lakas ng hangin mo."natatawang sabi ni Amethyst.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, hindi ko alam kung bakit. Bakit ako kinakabahan? Ano ba ang dapat kong kabahan? Ano ba tong nararamdaman ko? Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang iniisip kong hindi maganda.
"Ano ba yan Amethyst tinatakot mo naman si Cody."
"I didn't mean it mom. I'm just kidding."
"Kahit na. Tingnan mo itsura ng kapatid mo, nawala smile niya. Cheer lang dapat siya.
"It's okay mom." tipid na ngiting sabi ko. Natigilan kami ng makitang pababa na si Dad kasama niya ang daddy ni Fuchsia.
"Good morning. Hindi ka ba muna sasabay samin kumain?"tanong ni dad kay Mr. Frank.
"Thanks for inviting me. But I need to go now. I have a lot to do."pormal na sagot ni Mr. Frank.
"Hatid na kita sa labas. Balik din ako ha?" sabi ni dad samin. Tumingin samin si Mr. Frank at yumuko ng unti.
"I need to go."
"Take care Mr. Frank."paalam ni mom sa kanya.
"Take care po." Amethyst. Hindi na ako nakapagsalita dahil hanggang ngayon ay nagtataka padin ako. Tiningnan niya ako bago sila tuluyang lumabas.
Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating na si Dad.
"Mukhang problemado ang mukha ng anak ko ah. Basted ba anak?" natatawang tanong ni dad sakin pagkaupo sa tabi ni mommy.
"Isa ka pa eh. Parehas kayo ni Amethyst ng sinasabi."pagsaway ni mom kay daddy.
"I'm sorry haha. Paano kasi umagang umaga nakakunot na yung noo mo. May problema ka ba?"tanong ni dad sakin.
"Wala po dad. Marami lang pong tumatakbo sa isip ko."
"Masyado pang maaga para magpakalunod sa pag iisip. Kumain na tayo." aya ni Dad samin. Hindi na lang ako sumagot at nagsimula ng kumuha ng kakainin ko.
"Nagkakausap pala kayo nun ni Mr. Frank, pa?" tanong ni mom kay dad.
"Oo naman."sagot ni dad.
"Hindi namin alam yun daddy ah. Ngayon lang kasi namin kayo nakitang magkausap tapos pumunta dito sa bahay. Parang close tuloy kayo kung titingnan." natatawang sabi ni Amethyst.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?
Chapter 94: No One Cares
Start from the beginning