Kunwaring hinihingal at nagpupunas ng noo kahit wala namang pawis ang peg ko.

"Hays, kakapagod mag jogging." pagpaparinig ko sakanila upang mapansin nila ako.

"Oh ikaw pala yan serenity." wika ni kuya donie sa akin sabay ngiti.

Omygod nandiyan lang ang girlfriend niya sa kanyang tabi pero ang lakas pa rin ng loob niyang ngitian ako.

"Oh, kuya donie." saad ko na lang at painosenteng ngumiti.

Kitang kita ko naman kung paano magsulat si alice sa papel at ipinakita sa amin.

"Magkakilala kayo?"

Yun ang nakasaad sa papel na isinulat ni alice. Mukhang wala namang balak na sagutin ito ni kuya donie kaya ako na lang ang nagsalita.

"Oo, siya yung tumulong sa akin sa bagahe ko, noong unang punta ko dito." wika ko na lang at tumango tango naman si alice.

Napatigil ako dahil nakalimutan ko kung ano ang pakay ko dito.

"Teka...bakit nasa iisang kwarto lang kayo ha? May namamagitan ba sainyong dalawa?" inosente kong tanong sakanila.

Pero nagulat ako nang pagtawanan lang nila ako. Mukha bang may joke sa mukha ko?

"Huwag niyong iisipin na against ako sainyong dalawa ha, You can make love anytime you want, but please....isara niyo naman ang pinto for privacy." wika ko at tumawa ulit sila.

Abnormal. Hinawaan siguro siya ni alice. pshh!

"Hindi ko alam na may pagkatsismosa ka din pala, serenity. But you got it all wrong. We're not making love or anything." pagpapalusot niya pa. ASUS! ako pa ang niloko niya. Hinding hindi nila mauuto ang isang taong gaya ko.

"Then what? Napaka imposibleng wala kayong ginawa." sabi ko naman at lumingon kay alice na nagsusulat ulit sa papel.

"Kung ayaw mong mapahiya sa harapan namin. Itikom mo na lang ang bibig mo."

Saad niya sa sulat.

"Really? Okay then, sorry ha?" sabi ko na lang sabay irap.

Akmang papasok na ako sa loob nang magsalita ulit si kuya donie.

"Magkapatid kami." saad niya na ikinatigil ng mundo ko.

'Magkapatid kami'

'Magkapatid kami'

'Magkapatid kami'

You've got to be kidding me.

NAKAKAHIYA! kung ano ano pa naman ang pinagsasabi ko. -_-

Nakita naman nila ang gulat sa mukha ko kaya natawa sila.

"Magkapatid talag-"

"Okay I know right, hindi na kailangang ulitin pa na magkapatid kayo." pagpuputol ko sa sinabi niya.

"Teka...saan pala punta niyo?" tanong ko.

Parang nagdadalawang isip pa na sumagot si kuya donie, pero nagsalita pa rin naman ito. "Uhm, aalis na kami dito...magpapakalayo." saad niya.

Ngumiti naman ako ng pilit. "Ah ganon ba, mag iingat kayo ha?" saad ko na lang.

Nagulat ako ng lumapit sa akin si alice at niyakap ako ng mahigpit. Kinuha niya ang papel at sumulat dito.

"Salamat sa'yo, serenity. Kung hindi ka siguro dumating doon, baka malamig na bangkay na ako ngayon. Binigyan mo ako ng pangalawang buhay. Sobra ang pasasalamat ko sayo."

Saad niya kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na maluha.

Nakakalungkot isipin na mag isa na lang ulit ako.

Matapos ang ilang minuto ay bumitaw na ito sa pagkakayakap at ngumiti.

"Mauna na kami serenity, baka mahuli kami sa flight namin. Mag iingat ka din. Salamat sa pagtulong sa kapatid ko." saad ni kuya donie. Kumaway muna sila bago tuluyang maglakad palayo. Kinawayan ko din sila at hinintay na makarating sila sa may hagdan bago pumasok sa loob.

Kinuha ko ang cellphone ko at dali daling tinawagan si reign. Ilang segundo lang ay sinagot niya naman ito.

["Hi! Serenity! Reign Maganda is on the line!"] masigla niyang bati.

[Busy ka ba?] tanong ko sakanya.

[Nope! I'm just baking hehe."] saad niya naman.

[Okay then, bye!] sabi ko at pinatay ang tawag.

Idadala ko na lang pala ang mga damit ko sa laundry sa baba.





-------------

Alice's PoV

Nandito kami sa labas ng dorm at naghihintay ng taxi papuntang airport. Gabi na rin kasi kaya wala nang masyadong dumadaan na taxi dito.

Habang naghihintay kami ni kuya donie, napatingin ulit ako sa dormitoryo sa huling pagkakataon. Bigla ko na namang naalala ang walang awang pagpatay ng salarin sa isa sa mga biktima.Nagsumbong ako noon pero hindi sila naniwala sa akin.

Sana tumigil na siya sa pagpatay. Kung sino man ang nasa likod ng maskarang iyon. Natatakot ako hindi lang para kay serenity kundi para na rin sa mga inosenteng madadamay kung sakali mang hindi pa siya tumitigil.

"Alice, pasok ka na sa loob." saad ni kuya habang binubuhat ang ibang bagahe papunta sa taxi. Tumango na lang ako at pumasok sa loob.

Ilang minuto din ang lumipas at pumasok na din si kuya. Umupo siya sa tabi ko at nagsimula nang umandar ang taxi.

Napatingin ako kay kuya na inilalagay ang kanyang earphones at pumikit. Napagod siguro siya.

Habang nakatingin ako sa may labas, naririnig ko na nagsasalita ang driver. "Babalik, babalik tayo sa impyerno." bulong nito pero sapat na iyon para marinig ko.

Isinawalang bahala ko na lang iyon at muling tumingin sa may bintana. "Nakakapagtakang buhay ka pa. Kulang pa ba ang dilang nawala sayo?" agad na nagsitayuan ang balahibo ko sa narinig. Napalingon ako sa driver, ngayon ko lang napansin na naka gas mask pala ito.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Pamilyar ang hubog ng katawan niya. Hindi maaari. Siya ang killer? Siya si

REIGN ELLA SANCHEZ PoV

Napatingin ako sa bitbit kong cupcake na para kay serenity. Sana magustuhan niya ito! hihi.

Pagkarating ko sa room niya ay dali dali ko itong kinatok. *tok tok tok* "Yooohoo! Delivery!" sigaw ko at patuloy pa rin sa pagkatok. "Serenity! Si reign maganda ito!" sigaw ko ulit.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi niya pa rin ako pinagbubuksan ng pinto. Hahanapin ko na lang siya sa baba baka andun lang yon pakalat kalat. hehe ^__^

"Lalalalala-lalalala." pakanta kanta ako habang naglalakad nang biglang...

*BOGSH*

Bumangga ako sa isang tao.

"Ang cupcake ko!"

"My phone!"

Sabay naming sigaw at nagkatinginan kami sa isa't isa. Napatingin ako sa hawak niyang bag at susi? Ah baka manunuluyan dito.

Pamilyar siya.

OH MY GOD! KILALA KO SIYA!




Thanks for reading!♡︎

VOTE AND COMMENT!♡︎

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon