"Magdi-date saan?"

"Mamili ka. Magbi-beach, mountain hiking, mag-di-Disney World Philippines o Malling?"

Parang mas maganda ang umakyat sa bundok. Napangiti siya. "Mountain hiking."

Napapalatak si Sovereign. "Dapat pala ay hindi ko na 'yon sinama sa pamimilian." Napabuga ito ng hangin. "Mananakit naman ang binti ko."

"Gusto mo bang kumain ng balut para tumibay 'yang tuhod mo?" biro pa niya rito.

"Hon, no need. Napakatibay nito. Pakita ko sa iyo bukas."

Napangiti siya. "Talaga lang, ha?" aniya na diniinan pa ang mga kamay sa likuran nito na ikinaungol pa nito.

Nasarapan ito sa ginawa niya. Sunod niyon ay bumaba ang kaniyang kamay sa may lower back nito. Naupo naman siya sa may likod ng hita nito. Sa bawat hagod niya ay napapaungol naman ito sa sarap. Natatawang pinalo niya ang maumbok nitong pang-upo.

"Sarap na sarap 'yang ungol mo," hindi niya napigilang bulalas.

"Ang sarap, hon," walang gatol nitong wika na ikinangiti ni Zafrina.

Nang matapos hilutin ang likuran nito ay napapalatak pa itong muli.

"Tapos na?"

"Hmmm. Bitin ba?"

"Hindi naman," ani Sovereign na pumihit na patihaya ng higa. "Thank you. Tapos na 'yong likuran ko. That means, ito namang harapan ko," anito na mapang-akit pang nginitian si Zafrina.

Ipinatong na niya sa may bedside table ang lotion at nahiga na rin sa tabi nito. "Sinu-suwerte ka naman masyado kung pati harapan mo ay hihilutin ko rin. Wala namang masakit diyan."

Bumangon si Sovereign at naupo. Ni wala itong sabi-sabi nang ito naman ang maupo sa may ibabaw niya na ikinamaang ni Zafrina. Nakaalalay naman ito at hindi ibinibigay ang buong bigat sa kaniya.

"Sovereign!"

"Ikaw naman ang hihilutin ko," anito na pinaglandas ang hintuturo sa may leeg niya pababa sa pagitan ng dibdib niya at pababa sa may tiyan niya na lihim niyang ikinalunok. "Special service ito."

Natatawang tinampal niya ang kamay nito. Pambihira, damang-dama niya sa kinauupuan ni Sovereign ang pagkalalaki nito na agad nagising. Mukhang may ideya na siya kung saan sila hahantong. Lalo na at ito naman ang nag-offer ng hilot na special service pa.

"Bakit diyan ka naupo? Pumayag na ba ako?"

"Hindi ko naman kailangan ang pagpayag mo. At lalong hindi ko rin kailangan ang pagtanggi mo," sa halip ay wika ni Sovereign na hindi inalis ang tingin sa mga mata niya.

Bahagya niyang nahigit ang paghinga nang umakyat muli ang kamay nito, this time, sa mismong dibdib pa niya iyon tumigil. At mukhang iyon ang una nitong hihilutin.

"Ibang klase ka ring maghilot, Mister Millares."

"Kasama ito sa special service. 'Yong ginawa mo kasi sa akin, normal service lang 'yon."

"Nagpa-special service ka na ba before at ina-apply mo naman sa akin ngayon?"

"'Wag mo akong pag-isipan ng ganiyan. Ikaw lang ang dinikitan ng mga kamay kong ito at katawan mo lang din ang hinahawakan nito. Napaka-choosy nito. Parang 'yong may-ari."

Imbes na magsalita pa ay ipinikit niya ang mga mata. Mukhang hindi rin naman mapipigilan si Sovereign. Lalo na nang yukuin siya nito at umpisahang halikan sa kaniyang leeg. Paakyat sa labi niya. Muling nagmulat nang mga mata si Zafrina. Kinubabawan na rin siya nito ng tuluyan.

"Kahihilot ko lang sa iyo, papagurin mo na naman ang sarili mo," aniya nang bahagya nitong ilayo ang mukha sa kaniya.

Ngumiti si Sovereign. "Ikaw 'yong hindi ko kapapaguran. Don't mind me this time. Just let me do my special service for my love," anito na hindi na siya muli pang pinagsalita. Sa halip ay muli siyang hinalikan sa kaniyang labi. Pinalalim pa nito iyong lalo.

Muli ay naipikit ni Zafrina ang kaniyang mga mata. Tulad ni Sovereign, aminado siya sa kaniyang sarili na iyon din ang hindi niya kapapaguran.



________________________________


This Chapter is dedicated just FOR YOU. Thank you for waiting. ^^


Love lots,

JONQUIL


COMMENT | FOLLOW | VOTE | SHARE

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon