"Miss sakay ka na." Tawag sa akin ng isang tricylce driver.

Hindi ako judgemental na tao pero sa mukha pa lang niya ay mukhang iba ang interes niya. Ang ngiti niyang nakakakilabot ay nagdagdag sa akin ng matinding takot.

"Miss ang ganda mo naman! May boyfriend ka na daw ba sabi ng kaibigan ko? Crush ka niya oh!" Hiyaw nung isang lalaki habang may kasama pa siyang tatlong lalaki na halos kaedad ko lang.

Bakit may mga lalaking ganito? Cat calling is not a normal thing, we shouldn't normalize it, lalo na kung nakakadagdag 'yun ng takot sa mga kababaihan. Hinigpitan ko na lang ang kapit sa strap ng bag ko at nag-mamadaling nag-lakad.

"Ay suplado!" Nag-tatawanang dagdag pa nila.

Squatter area ang lugar na meron kami. Dikit-dikit ang mga kabahayan at malapit ang bahay namin sa ilog na puno ng basura. Basura na galing mismo sa mga taong nakatira dito.

"Good Morning po kuya guard." Bati ko sa matandang nakaupo sa gate ng paaralan namin.

Ngumiti siya sa akin at ngumiti din naman ako sa kaniya. Ilang buwan na lang ay tapos na ang klase namin, hindi ako sigurado kung makakatungtong ako ng kolehiyo.

"Alam mo ba niyayaya ako ni Fits bukas!" Nadinig ko ang impit na tili ni Amber. Isang sikat na volleyball player sa school namin.
Maganda siya at balingkinitan ang katawan, sikat siya sa school namin dahil maganda ito. Ganoon naman talaga 'di ba? Mas madaming oportunidad an nakukuha ng mga taong may magandang pisikal na anyo.

"What? Really? 'Yung sa kabilang University na guwapo? Omg! Ang suwerte mo." Hiyaw ni Gueniva, bestfriend niya.

Kilala ko si Fits, madalas ko siyang makita sa labas ng school namin. Madalas din siyang pag-kaguluhan ng mga kababaihan. Aaminin kong attractive siya pero medyo over acting na ang mga babaeng halos mag-lumpasay kapag nakikita 'to.

"Aisle! Hey girl, pakopya naman ako sa math diyan." Matamis ang ngiting sabi ni Amber.

Kahit anong ganda ng tao, meron pa din siyang tinatagong sama ng ugali. Naaalala ko noon, madalas niya akong awayin kapag hindi ako pumapayag na sagutan ang home work niya, maganda siya pero bulok ang pag-uugaling meron siya.

"A-ano kasi Amber.. hindi k-ko pa tapos 'ying assignment doon eh, oo." Nauutal na sabi ko.

Tumaas ang kilay niya at mas lalo akong natakot doon. Alam kong ayaw niya sa sinabi ko at magagalit nanaman siya. Pero kapag patuloy akong pumayag na ganunin ako ay masasanay siya.

"Anong sabi--" hindi na niya natuloy ang sinabi niya nung pumasok na ang teacher namin, nakahinga ako ng sobrang luwag.

Umupo na ako sa pinaka dulong parte ng classroom, mas gusto kong mapag-isa dahil pakiramdam ko lahat sila ay hindi ko mapag-kakatiwalaan. Hindi naman pang-mayaman na school ang school ko, pero hindi pa din mwawala 'yung mga estudyanteng may kaya sa buhay, tulad nina Amber.

Buong klase ay nakita ko ang pag-irap ni Amber sa akin. Hindi ako ganoong katalinuhan pero nag-susumikap ako para maintindihan ang mga topic namin sa school, kahit ako yata ang pinaka-matanda sa classroom ay hindi ko manlang makita na may respeto sila sa akin.

Nung mag-lunch ay mas pinili kong sa cr ng mga babae tumambay. Hindi ko na pinilit pa na kumain sa canteen dahil alam kong nandoon sila Amber. Binuksan ko ang baunan ko at mayroon 'yung kaunting kanin at itlog na pula, mabuti na lang at may sikwenta pesos pa ako kahapon.

"Tao! May tao ba sa loob?" Nadinig ko ang pamilyar na boses ni Amber.

Kahit anong pilit kong umiwas ay talagang siya ang lumalapit sa akin. Humikpit ang hawak ko sa baunan na nasa hita ko. Gusto ko nalang maiyak dahil alam kong bubullihin nanaman nila ako.

"Pooritang Aisle? Are you here ba? Paki-galaw ang baso, please." Sunod-sunod na sabi niya saka sabay-sabay silang tumawa.

Kumatok pa sila nang kumatok hanggang sa umabot 'yun ng limang minutos. Pinili ko na lang na hindi umimik kahit alam kong hindi makatarungan ang ginagawa nila.

Ngayon ko masasabi na hindi pantay-pantay ang mga tao. Ang mahihirap ay mananatiling mahirap, ang mahirap na katulad ko ay patuloy nilang kakaya-kayanin. Hindi sila humanap ng katapat nila, porke may kaya sa buhay kaya ganito na lang ang trato nila sa akin.

"Ayaw mo sumagot, edi 'wag! Diyan kana sa kubeta tutal diyan naman nababagay ang mahihirap na kagaya mo." Sigaw na sabi niya saka sila sabay-sabay na tumawa ulit.

Hindi ko na napigilang umiyak. Ito lang naman ang magagawa ko. I can't even fight for myself. Hindi ko kasalanang maging mahirap, at hindi din 'yun sapat na rason para kutyain ang kagaya ko.

The rich got richer, and the poor got poorer. Even I'm poor, it's not right that they will treat me in a wrong way. I'm sick of this. Pagod na akong tapak-tapakan ng kung sino-sino lang.

Mula pagkabata ay ito na ang buhay ko. But the little hope inside me was still there, nangangarap pa din ako na magiging maayos ang buhay ko.

------
♡♡♡

My Valentine's (COMPLETED)Where stories live. Discover now